nagmamadaling lumabas sa kotse at pumasok sa bahay. tiningnan sa internet kung anu ang pangalan. nasa dulo na ng dila nya ang sagot! ayun! nahanap din sa wakas.
nagdial ng number sa cellphone. bilis!! at nag-ring sa wakas. heavenly pa ang tunog ng pag-ring.
kriiiiiinnngg..
kriiiiiinnngg..
kriiiiinnngg..
babae: hi! thank you for calling My FM!
chikletz: hi! is this the radio station?
bababe: yes it is!
chikletz: yeah, i would like to take a guess on the secret celebrity.
babae: ohhh, someone already got it. someone already won.
chikletz: really?! ok thanks. (leche!)
babae: ok. bye!
naman, perstaym ever in my layptaym na tumawag ako sa isang radio station para sumali sa mga pakontest nila. bakit kamo? kasi perstaym kong alam ung sagot! himala pa kasi hindi busy ung linya. eh kasi naman may nanalo na pala.
ang pakontest: magpplay sila ng isang audio clip. boses ng isang celebrity at huhulaan mo kung sino un.
ang sagot: Hayden Panattiere from the tv show, Heroes.
unang play pa lang ng clip alam ko na. kasi naalaa ko ung linya na sinabi nya eh. di ko lang maalala name nya kaya kumaripas ako ng takbo papasok ng bahay.
gumuho na naman ang pangarap kong makita si Jason Mraz.
37 comments:
Nakikiramay ako sa pag katalo mo. Wait lang may question ako...
Kelan ba lalabas ang next season ng Heroes dyan?! Peste ang tagal...
Hi daw sabi ni Arvin (Ayaw paawat...)
@jepoy: salamat sa pakikiramay. hehe..
wala pa nga kaming news kung kelan eh. ang tagal nga! inip na inip na ko.. err!
hi din kamo. haha!
aaaawwww, sayang naman...malay mo may pakontest ulet.
sayang naman!! hehe!! sana magconcert din sya dito hehe!! pati si John Mayer na din hehe!!
@deth: nako lagi ngang may pakontest eh. lagi ko din hindi alam ang sagot. haha!
@homer: sayang na sayang nga. nanghina nga ako nun eh. LOL!
naku naman, sayang! nagmadali ka pa naman at nandaya ka pa yata at sumilip ka pa sa net..hehe
yaan mo, baka next time manalo ka na.. nasa front seat ka pa ng concert ni nora aunor. hehe
baka naman 12 hrs na nakalipas simula nung narinig mo yung pa contest sa radio, eh ang layo pa ng bahay mo anothers 12 hrs drive..
:)
baka naman 12 hrs na nakalipas simula nung narinig mo yung pa contest sa radio, eh ang layo pa ng bahay mo anothers 12 hrs drive..
:)
malas lng =P
tito ko swerte pagdating sa mga pacontest sa radio station. nanalo na un ng 1k $ ska daming concert tickets... mnsan nga skin binigay ung tickets eh, concert nla rihanna/bep :)
@kheed: haha! wag naman ganun.. :P wala talaga napapala mga nandadaya noh? haha!
@pablo: ndi noh. haha! pagkarinig na pagkarinig ko. baba na agad ako sa kotse at tumakbo sa loob ng bahay. kainis nga eh.. err!
@t.: buti pa sya at swerte mo naman naaambunan ka ng mga napapanalunan nya. buti pa to..
May next time pa naman :D
Musta raw uli sabi ni Arvin hehehe :D
http://freshnessfactorfivethousand.blogspot.com/
ayan po ang blog ni Jason Mraz. Hingi ka na lang tickets sa kanya. :D
hiyee arvin! ay chikz pla, hahaha.. ok lng yan, baka nman kc ang tagal mu. kya ka naunahan,, hahaha :) sayang!
Teka bago ang lahat, makichismis muna ako, sino si arvin?uyyy..haha Ü
anyways, sayang naman may nauna na sayo, next time na lang ulit, pero sayang talaga..haha Ü
sayang! si Cheerleader pa naman ang sagot sana nagkaron ka ng chance na makita si Jason...
better luck next time...
naku, ikaw ba ung sinasabi ni Arvin sa cbox ko? aw!!!
haaay ganyan talaga ang layp parang buhay lang... hehehehe
dont worry malay mo someday makita mo na din siya.... type mo pala si jason... hehehehehe
tsk sayang yun chikz, sana nakaduet mo na dn sana siya katulad nung kay regine,hehe
fave ko yung "you and i both" niya. :)
not meant to be..
ay kawawa naman..
natatawa ko, may tanong ako. ikaw ba si optimus prime sa video? haha
la lang..
Marami pang chance Chikz. Maganda ka namn . :)
ah better luck next time sis! baka mas magandang ticket pa ang mapanalunan mo. Siguradong malulungkot si Jazon at di ka pa niya makikita. haha..
fave ko din yun.
woot. fave ko din si jason mraz.
sayang. hehe
@lord: haha! naman.. bumabanat ka na din ng ganun? :P
@reyjr: uy thanks for the url. pag nakahingi ako, nako ang saya ko! haha!
@kox: nako kala ko nga mabilis na ako eh. i guess makupad pa nga. haha!
@superjaid: super sayang nga.. ah si arvin? basta sya ung andyan sa tabi tabi. hehe..
@azel: haha! un nga eh. nung narinig ko ung clip. CLAIRE BENNETT ung iniisip ko imbis na HAYDEN. haha! at malamang lamang ako nga ung tukoy ni arvin.
@saul: gusto ko kasi ung mga songs nya sa latest album nya eh. hehe.
@hari: haha! talagang naalala mo pa un ah. favorite ko naman ung "lucky"
@jp: super not meant to be. LOL! thanks for droppin by here.
@elisha: ako nga :P hehe..
@acrylique: nyahaha! anung kinalaman ng kagandahan dun? kaw talaga.
@bingkay: onga. malas na lang n jason. hahaha!
@cheezy: sayang nga eh. pero apir tau! apir! hehe..
kawawang bata...hehehe
@rico: haha! onga eh. iiyak na ko.. huhu..
naisip ko lang, hawig mo kasi eh. :P
sis, sis,,, *pat on the shoulder* Love ko rin si Jason Mraz kaya alam ko kung anong nararamdaman mo. Ang saklap!!!!
Waaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!! :(
@elisha: hehe mukha nga akong robot.
@sweetham: onga eh ang saklap ng pangyayari. huhu!
waaa sayang! jason mraz un! tsktsk.. super better luck next time chikletz. malay mo date with him na ang mapanalunan mo next time! WOW! ^_^
@chennn: super sayang! haha! sana nga date na lang next time. gudlak!!!
humingi ka na kay jason ng tikets?
anu sabi?
@rey: tiningnan ko ung blog nya.. eh ndi naman ako makakaepal dun. LOL!
naku, condolence sa yong nabitin na tikets.
try lang ng try until umaray!
(parang bastos)hehe
@reigun: haha! loko ka talaga. try and try until umaray. ayossss...
Post a Comment