hindi ba't madalas ay malawak ang utak ng mga tao. madalas din naman ay makitid. kahit ang ilan ay nasa tamang edad na at marami ng napagdaanan sa buhay, ang ilan sa atin ay hindi pa rin matanggap na ang buhay ay sadyang madaya. napaka unfair ika nga. pero alam na natin 'yon diba? bakit pag tayo ang dinaya ay inis na inis pa rin tayo? kapag tayo ang pinagkuhanan ay maghihinagpis pa rin tayo at sasabihing,
"napaka unfair talaga ng buhay!! bakit ako pa? bakit sakin pa nangyari 'to?"
pero ang totoo naman ay ang LAHAT sa atin ay nakakaranas ng mga bagay na hindi natin kagustuhang mangyari. lahat tayo masasaktan, maiiwan, at ipagkakaila ng tadhana. kahit mayaman, mahirap, o pangkaraniwang tao ka, dadaanan ka ng bagyo na may kasamang kulog at kidlat.
may mga taong gustong yumaman. pag yumaman na daw sila ay wala na silang problema. ang hindi natin alam ay ang may ibang mayayamang tao na tatalikuran ang kayamanan nila gumaling lang ang may sakit na mahal sa buhay, o bumalik lang ang nawawalang anak, o makasama lang nila ang tunay nilang mahal.
may ibang mga mahihirap naman na buo ang pamilya at kahit naghihikahos sa hirap ay kumpleto pa din sila at nagtutulungan. siguro ito ang hanap ng ibang mga mayayaman.
at yung mga pangkaraniwan ay dumadaan din sa mga mapapapait na pagsubok.
may naiiwan, nawawalan, nasusunugan, nababagsakan ng negosyo, tinatangayan ng bagyo, bumabagsak sa exam, nagkakasakit, nababaon sa utang, nakukulong, at nasasawi sa pag-ibig, at kung anu anu pang pagsubok ng buhay. meron din naman na nakakaraos sa hirap, nananalo sa lotto, lumalakas ang negosyo, binibiyayaan ng anak, nakakahanap ng tunay na pag-ibig. nakakapagpatayo ng sariling bahay, nakakapunta sa ibang bansa na nais nila, at kung anu anu pang magagandang pangyayari.
nakakalimutan natin na hindi lana tayo ang pwedeng suwertihin at malasin. lahat pwede. kapag sinusuwerte tayo huwag natin ipagdamot kasi may mga tao na habang ika'y nagdiriwang, sila nama'y namimighati. naniniwala ako na mas bibiyayaan tayo kapag ipinapamahagi natin ito sa kapwa natin. kapag minamalas naman ay huwag mawawalan ng pag-asa at huwag daing ng daing. bumangon ka at hanapin ang suwerte mo.
hindi ko ikakailang dumadaing din ako pag minamalas at feeling ko ay galit sakin ang mundo. natural lang siguro sa atin 'yon. huwag lang siguro natin kalimutan na lahat tayo ay pinagbibigyan. lahat din ay pinagkakaitan.
22 comments:
Sabi nga ni Kuya Kim, 'Ang buhay ay weder weder lang.. " :D
hmmmm ang ganda ng post mo sis ah... bigla akong napaisip sa mga sinabi mo... haaaay kaya nga ang title ng blog ko ay "why me?" hehehehehehe uy gift ko? bday ko na tom ah
@HOMER -haha
- Chikz, ok lang yan. Tomorrow ok na lahat. Sayaw na lang tayo Nobody ng Wondergirls. imagine, ngayon ko lang naeenjoy ang kantang yun. Ngayon ko lang napakinggan. haha! may mga Muslim na namn na nagkakagusto sayo, kaya wag na sad. :)
onga kaya yung mga meron dyan ishare niyo mga blessings niyo sakin uy, para lalo kayong swertihin. maawa na kayo sa tambay na sablay pa, malas pa,busit na buhay to,haha biro lang... :)
sabi naman ni Santino...
"May Bukas Pa"
@homer: oo weder weder lang.. summer season na dito. haha! ang init!!
@saul: haha! gift mo? next time na lang pag nagkita na tayo :P
@acrylique: oist ganda! tara sayaw tau ng nobody nobody but you.. hehe. haha! mga muslim ba? baliw!
@hari: dito ba manawagan? haha!
@azel: parang title lang ng teleserye noh? hehe..
anak ng jueteng paanu naman tayo mag kikita eh mas mahal pa ang pamasahe ko papunta dyan kaysa sa gift... hahahahaha
ingat palagi
korek ka jan chicki.. ganoon kasi talaga anng nature ng tao, may neverending wants...
mejo ok na ako mejo nawala na sakit ng ipin ko..thankz.. :)
Opo Ate lolzz...
Bilangin mo kung ano meron ka at wag ang wala sayo...dahil sigurado mas maraming beses kang sinuwerte kaysa sa araw na minalas ka :)
very well said sis chickz..ganun talaga ang mga tao natural ng ugali ang pagiging walang kakuntentohan..naghahangad at naghahangad ng bagay na wala sa buhay na meron sila..Ü
kasama na sa buhay ng tao ang mabigo..hindi lahat sinusuwerte sa lahat ng bagay..di puwede kung lahat ng tao ay professional o may mga trabaho o kaya ay may pera talaga na sapat..dahil kung lahat ay may kaya sa buhay ay walang mag papautusan..walang thrill ang buhay kung tayong lahat sa mundo ay may pera..sakali man na mabigo ay bumangon at harapin uli ang nagpadapa sa iyo..
chikletz mahal ko isa na akong muslim ngayon..maaari na rin kitang mahalin kasama ng isa pang blogger..hehe..kumusta ka naman diyan..kailan ka uwi ng pilipinas kasi sunduin kita..
ako ay isa narin muslim...Ay hindi pala sakin ang original na litanyang yan...
ampeyr talaga ang life...Hayz!
hindi puwede na lahat ng tao ay pareho ang katayuan sa buhay.. di rin puwede na lahat ay may pera talaga..we work for food and money..isipin mo na lang kung lahat ng tao ay may pera talaga..palagay mo ba ay mayroon pang magpapa alipin o kaya mag trabaho para maging katulong para magkaroon ng pera..hindi ba wala..hindi exciting ang buhay kung walang tao na puwedeng utusan..tanggapin nalang anuman ang buhay mo..
basta chickletz mahal na mahal talaga kita kasama pa ng isang blogger..totoo ang mga nakasulat sa tula kong post sa blog ko..isa na akong muslim para dalawa kayo na mahalin ko..
@saul: haha! :P gudlak!
@niqabi: buti naman ok na pakiramdam mo. oo ang mga tao hindi talaga nakukuntento.
@lord: opo ate ka dyan!! haha! oo mas maraming beses nga akong sinuwerte. di ko na mabilang :D
@superjaid: kaya pag ndi nila nakukuha, dumadaing sila. o diba??
@jepoy: loko ka! ayaw mo talaga tigilan ah.. LOL! ampeyr!!
@arvin: kasama nga sa buhay ang mabigo, kaya dapat ndi tayo nageexpect na lagi natin makukuha ang hinahangad natin. hindi rin pwede na magexpect ka na mahalin ka ng taong mahal mo.
nice post po. emot emot si chikletz. dami ko natutunan sa post mo ah....
@paps: uy salamat at may naipamahagi akong aral. hehe.
tama, anpeyr nga.
tama rin wag magdamot.
impeyrnes.. kung tayo naman ang nasa sitwasyon na magiging unfair tayo sa iba....
wala, wala pala akong masasabi. haha
ang galing ng word verification, nagkaron ako ng idea. "acisi"
..makakasakit naman tayo at tayo ang masisisi.
*nangunguna na si optimus prime sa bidjo ah. ahaha. ang laki ng ulo.
@elisha: onga ganun talaga. kelangan lang natin tanggapin kasi yun siguro talaga ang gustong mangyari ng tadhana. kung tayo naman ang magiging unfair ginusto din siguro ng tadhana un para matuto tayo..
interesting thought... ah basta just be tough sa lahat ng pagsubok sa buhay...marami 'yan but lahat may solusyon.
@ohmygums: onga. diba di naman daw tayo bibigyan ng pagsubok na hindi natin kayang labanan..
Post a Comment