Friday, August 21, 2009

Bulong

pagkatapos ng tila ba napakahabang apat na oras sa trabaho kagabi, napahinga din ang likod ko pagkaupo ko sa sasakyan. habang nagmamaneho ako pauwi galing trabaho, tumawag sakin si Guru Camille.

ako: o wassap?

Camille: punta ka sa Starbucks. now na.

ako: ok. sino kasama mo?

Camille: si Nicole.

ako: sige malapit na 'ko.

Camille: malapit na din kami.

pagkarating ko dun andun na sila, iniintay ako. nag-aya silang kumain muna para mawala ang gutom. pagkatapos namin kumain tumambay na kami sa Starbucks. umupo at nagkwentuhan sandali. madilim na at medyo tahimik. sarado na ang ilang tindahan sa tabi tabi. tahimik na din ang kalsada. iilan na lamang ang taong nasa labas at nakikipag-huntahan sa mga kasama nila.

maya maya lang ay nawala ang atensyon ko sa sinasabi nina Camille at Nicole at parang biglang lumakas ang salita ng mga tao sa paligid namin. may kanya kanyang kuwento at tsismis. may kanya kanya rin na problema at hinanakit. biglang humina ang salita ng dalawa kong kasama. tumingin ako sa paligid at hinanap kung san nangga-galing ang ingay. parami ng parami ang naririnig kong mga nagsasalita. nagsasalita na pabulong--pero iilan na lang kaming nakaupo sa labas ng kapehan.

huminga ako ng malalim at pinikit ko ang mata ko sandali. pagbukas ko ng mga mata ko ay usok ang nakita ko. usok ng yosi. ang daming usok. mahapdi sa mata pero pilit kong hinahawi ito para makakita ako ng malinaw. at nakita ko sila, nakatayo sa paligid. bakit hindi nagtataka ang dalawa kong kasama? hindi ba nila nakikita? bumilis ang tibok ng puso ko at nag-umpisang pagpawisan. nananaginip ba 'ko? ang tanong ko sa sarili. sinubukan kong kausapin ang dalawa kong kasama, pero ayaw lumabas ang mga salita sa bibig ko na para bang may puwersang pumipigil sa akin.

marami silang nakatayo sa paligid namin. dikit dikit sila at hindi ko alam kung sino sila. hindi ko nakikitang gumagalaw ang kanilang mga labi o bibig pero tila sa kanila nanggagaling ang malalakas na bulong. hindi ko maigalaw ang sarili ko. nanlamig ang balat ko. nilabanan ko ito at tila hindi ako napapansin ng dalawa kong kasama. nang makagalaw ako tumayo ako at tiningnan pa ang paligid. lahat sila nakatingin lang sa akin.

mas dumami pa ang mga boses na narinig ko. tinakpan ko ang tenga ko at sinubukang kunin ang atensyon ng mga kasama ko. hindi ko maintindihan. bakit parang hindi nila ako nakikita? lumingon ako. huminto ang tibok ng puso ko nang makita ko ang sarili kong nakaupo sa silya at parang natutulog. para kong hihimatayin sa nasaksihan ko. pinikit ko muli ang mga mata ko at nagbaka-sakaling wala na ang lahat pag dilat ko. pero bago ko idilat ang mga ito ay tuluyan na akong hinimatay.

(ang istoryang ito ay gawa-gawa ko lamang.)

33 comments:

Hari ng sablay said...

oh my ghost! nakakatakot naman yan, yan ba yung mini film na gagawin mo? shake rattle and roll ba yan?

PABLONG PABLING said...

lumipad yung kaluluwa mo. normal lang daw yan pag malapit nang ma deads ang isang tao nakikita nila ang sarili nilang nahihimlay. . nakakatakot naman ang kwento mo chikletz buti na lang gawa mo lang

Anonymous said...

@hari: hindi to ung gagawin namin. ang hirap nito noh. haha! wala lang naisip ko lang kaninang umaga to eh..

@paps: onga ganun daw lagi nangyayari. makikita mo ung sarili mo. yikes!

ACRYLIQUE said...

Clairvouyant ka na CHIKZ! Pwede magpa-tarot reading? hihi





Word Verification : packey

Anonymous said...

wahahahaha.. astig na imbento ah! =) pwede ng maging writer sa horror :] lols

Superjaid said...

ang aga aga sis kinilabutan ako sa kwento mo, pwedeng pwede ka nang maging writer ng horror film..Ü

Anonymous said...

@acrylique: haha! wag naman sana. ayoko maging clairvoyant. kakatakot.. yee.. ang kulet ng mga word verifications noh. haha!

@kox: LOL! pede na ba? sige pagbubutihan ko.. namannnnn!!

Anonymous said...

@superjaid: halos sabay lang pala tayo nagpost. anyway, goodmorning! haha! :P

SEAQUEST said...

Wow, galing mo gurl, imagination mo lang yan? cgurado ka ha? mahirap na baka nga lumilipad ka na eh mapnsin ko na lang andito ka na sa tabi ko wehehehe, sabagay sanay nakong makakita ng multo..wag naman pero puede bang mgpa tarot? lols

Anonymous said...

@seaquest: sigurado po ako. haha! yoko pang maging multo. LOL! nako wala akong alam sa pag ta TAROT. gudlak! hehe..

ibig sabihin lagi kang nakaka-kita ng multo? yikes!

tsenn` said...

naghang aku.. hinimatay ka dahil sa pagod?? open-ended ang kwento??
napadami ata ako sa rice kaya aku nghahahang hahaha :)

napanuod ku kgabi awarding ng cinemalaya, sali ka dun neks yr chikz.. malay mu ^______^

PinkNote said...

halu,halu angaling! kun di mo sinabing gawa-gawa mo lang maniniwala na ko..hehehe

Arvin U. de la Peña said...

ano kaya ang mararamdaman mo kung sakali ay mangyari iyon sa totoong buhay? Pipikit ka lang ba o tatakbo?..

Dhianz said...

naks.. ayos ah ms. CC.. akala koh naman tlagang nangyari... pero parang mabilis na panaginip... i thought it happened while u were drivin'.. 'ung tipong medyo nakatulog kah habang nagdri-drive... tapos split seconds na dream na parang napakatagal... pero kung tutuusin micro sleep lang... so 'unz.. haha... todo explain akoh ah.. lolz.. ahlab starbucks.. love coffee den bah? or nah?... so yeah.. ingatz Ms. CC! =)

Ms. SD (parang SD microdisk lang ang nick koh.. haha.. lolz.. )

JΣšï said...

oh my ghost! nyahaha!! parang totoo ah! akala ko nga e kapre kase may usok...lolz!

Webslave McCoolot said...

waaaaaaaaaa!!! muntik na akong maniwala chikletz..LOL... hahaha.. kala ku kung anu na...waaaaahhhhhh.........

naman!! storybot pala.. bwahahahah... parang gusto mo maging screen writer wahh.. hihih

Goryo said...

anak ng tokwa.. na-carried away ako dun ha.. pambihira.. akala ko totoo..

haay muntik na akong himatayin sa yo..

Eli said...

ay grabe, ako nga kwento pa lang nakakatakot na makarinig pa kaya or makakita... ito gawa gawa lang? infairness ah maxado xang detalyado para sa isang kwentong gawa gawa. hehe.. katakot

Anonymous said...

@tsenn: haha! kakaririn ko na ba? tara!

@pinknote: dapat pala di ko na sinabi sa inyong fiction lang yan. haha! sayang..

@arvin: pipikit siguro.

@SD (sandisk??): onga todo explain ka sister pero ok lang. haha! nagets ko naman eh. ok lang ako sa kape. ndi naman adik. hehe.

@dyi: haha! onga noh. pwede un ah. sa puno ng kawayan.

@webslave: storywriter? di naman mashadowwww.. hehe. slight.

@goryo: lolo relax ka lang. haha! hindi mo totoo. gawa gawa lang po ng isip ko..

@elay: ayos ba? pwede na? hehe.. katakot..

patola said...

wahahahahahah....natakot ako kahapont.... natawa ako sa sarili ko ngayon.. hihihi..

binasa ko kasi to kagabi mga around 11:00 and since mag isa lang ako dito sa bahay, natakot ako pag dating sa part na may bulong bulong.. napagpasyahan ko na ngayon ko nalang tatapusin na umaga....

at pag dating sa part na "ang lahat ng ito ay gawa gawa lamang"... ahahahahaha... natawa ako sa kung gaano ako natakot kagabi.. hihihihiih...

Anonymous said...

@patola: hahaha! panalo ka sis! natawa naman ako sa'yo. epektib pala ang story na toh..

ROM CALPITO said...

nadale mo ako don chikletz haha
akala ko totoo na hayyy

kmusta na

=supergulaman= said...

ahehehe...cool...imbento pla.... ahahaha... :D

April said...

Huwaaaaaaaaaaattttt...Naks chikletz! Ashitg nun ah.. Mani2wala na sana ako buti sinabi mong kathang isip moh lang. Naku mahirap yan kung nagkataon hahaha. Pang-best writer awardee kna hehehe..;D One more pls.... eeeiii

tsenn` said...

uu chikz kariran na to! hahaha!
ako manager mo aww

gesmunds said...

omg chikz!
parang nangyare sakin ang ganyan... pero sa panaginip... ung hindi ka magkagalaw,makasalita o makasigaw,, sabi ng ilan e bangungot daw un...

katakot un..parang last time ko nang mabuhay non...

Reyjr said...

hehehe, akala ko bangungot.
natawa ako dun sa dulo eh - gawa gawa lang pala! :p

Jepoy said...

May Suspense factor talaga! Kamontikan narin akong mahimatay sa istorya mo ang ishkeri naman nun :-D

Wag ka kasing kumain masyado ng taba ng adoba, na babangungut ka tuloy LoLz

Anonymous said...

@jettro! dale ka! hehe.. ok naman ako. kaw? busy mode ka ata eh.

@supergulaman: oo..kathang isip lang naman.. wala lang. hehe..

@basyon: nako! one more? gudlak na lang. once in a blue moon lang yan eh. haha! pero salamat po :D

tsenn: ayos ah. instant manager. kaso wala ka pang makukuhang sweldo sakin sister. haha!

@gesmunds: bangungot nga daw pag ganun. nabangungot na din sakin un eh. pag gising ko takot na takot ako.. ayeee!!

@reyjr: wala trip trip lang. ayos ba? hehe..

@jepoy: ndi naman ako nabangungot noh.. ikaw talaga.

Reagan D said...

astigin! iba talaga nagagawa ng gutom.haha

Anonymous said...

@reigun: saka ng kulang sa ligo. haha!

darkhorse said...

napainom ako ng tubig! hahaha...nice one! tc

Anonymous said...

@darkhorse: na dehydrate ka ba sa kwento? LOL!