pang 100th post ko na pala ung previous entry ko at hindi ko man lang namalayan. buhay talaga, sa sobrang bilis parang naka fast forward lagi.
anyway ang pakay ko talaga ngayon ay tungkol sa distance. hindi geographically pero emotionally. hindi ba ang pagsisisi ay talagang laging nasa huli? kasi hindi ka pwedeng magsisi sa isang bagay na hindi mo pa nauumpisahang gawin--malamang, kasi wala kang pagsisisihan eh. naguguluhan ka na ba sa sinasabi ko?
tiwala. nabubuo sa pagitan ng dalawang tao. pag nasira maaaring may mga pagsisising maganap lalong lalo na kung naging matalik mong kaibigan ang taong ito o kung naging kasintahan mo. sa pagkakataong ito nabubuo ang takot sa sistema ng tao at sasabihing hindi na magtitiwala ng buong buo. hindi na hahayaan ang sariling umasa ng bonggang bongga sa isang tao. nadala na kasi sa karanasan na may nasirang samahan dahil sa pagkakasira ng tiwala o sa hindi pagkakaunawaan.
kahit pa siguro magkapatawaran ay hindi na maaaring maibalik sa dating samahan. pero depende rin siguro sa ibang tao. depende sa tibay ng naging samahan nila at depende sa laki ng epekto ng mga pangyayaring hindi kanais nais. pero pwede bang ganun na lang habang buhay? lagi ng matatakot? lagi na dumidistansya? wala ng hahayaang ibang tao na pumasok sa buhay mo? hindi rin yata pwede yun.
diba sabi nga nila ,"habang may buhay, may pag-asa". sinong sila? ewan ko ulit. kung parati na lang nating ilalayo ang sarili natin sa iba, hindi tayo makaka-kamit ng tunay na saya. parati na lang natin iisipin ang nakaraan at lagi lang natin mararamdaman ang sakit na naidulot nito sa atin. dahil na rin ito sa ayaw natin maulit ito. ayaw na nating magtiwala ng lubusan. pero paano natin masisiguro kung mangyayari ulit 'yun o hindi na? subukan ulit diba?
paano na lang yung ibang tao na gusto kang maging kaibigan o kasintahan tapos ayaw mong ilapit ang sarili mo sa kanila kahit gusto mo rin syang maging kaibigan o maging kasintahan? walang mangyayari. walang mararating kung idadaan lagi sa takot at poot ng puso. kahit pa matagal na panahon ang kailangan, sana ay matutunan ulit natin na buksan ang puso natin at hayaang pumasok ang ibang tao. an empty heart is an empty soul. uy gawa-gawa ko lang yan. hehe.
isipin na lang natin na nangyayari ang mga hindi kanais nais para matuto tayong tanggapin ang mga pagsubok sa buhay. hindi lang ikaw ang nagbubuhat ng mundo. marami tayo. kung ikaw ang sumira ng tiwala, matuto kang humingi ng tawad. kung ikaw naman ang biktima..para sa'yo ang entry na'to.
26 comments:
Serious? Hehehe :D
Nasa tao naman yun o nasa tibay ng pagsasamahan nyo kung maibabalik pa yung dating kayo kahit minsan nang nasira ang pagtitiwala..
ang hirap buuin niyang tiwalang yan pero napakadaling masira,parang nabasag na salamin magiiwan ng lamat,pero tulad ng sabi mo dependi parin sa tao,
mahirap nga bigyan ng tiwala ang taong sumira na nito.
malaking tiwala talaga ang kaylangan.
I.T.A.L.Y - I THRUST & love you....ngaun...wala lang
mahirap talagang iearn ang tiwala. kaya ako if i promise, magtiwala ka i'll do my promise
sabi nga ni rose kay jack... i thrust (condom) you!!!!!
ate nasend ko n sa email mo...bahla ka na jan kung iadd mo o wala lang...heheeh
@lord: slight serious lang naman. hehe.. may nagrequest kasi na magpost ako about that topic eh. yup depende nga sa tao at sa samahan..
@hari: parang mantsang ayaw maalis. parang papel na nalukot. parang..parang..
@den: kelangan matinding samahan ang nasa likod nito. tipong centuries ung pinagsamahan ninyo. hehe..
@sco: haha! puro ka talaga kalokohan. at wala akong nakukuha sa email ko..
hindi pala para sakin ang post na yan.. ahehe..
tama naman, depende nga sa tao. pero tingin ko ganun talaga, once nasira, kung maibabalik man sa dati, may lamat na. safeguard nga 99.9% lang ang natatanggal na germs e. anong konek?? happy shalala.. :D
in lab? or sentilang?
wehehehe!
Super serious nmn tong issue na ito. O baka nmn nagsisisi kna sa lagay moh now sa scholl haha joke lang. ;D Pero may lesson to ah. Thanks for sharing. ;D
Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy
Things will never be the same kapag nagkasiraan ng tiwala, its either titibay ang samahan o tuluyan ng masisira at magkakailangan. Pero kahit anong mangyari dapat kapag nagkasala tayo, matuto tayong humingi ng tawad at kung tayo ang biktima, matuto tayong magpatawad dahil masisira lang tayo kapag nagtanin tayo ng galit sa kapwa natin..yun lang..Ü
para sakin yan. hahaha :) bubuksan ko ng muli ang puso ko. handa n kong muli. kakalimutan ko ang mga di magagandang ngyare nuon. :D salamat.
Tiwala ka mu chikletz? as in TRUST? well, hindi ko pa nman maranasan na mang biktima, pero minsan na rin akong na biktima.. but not that biggies at all... slight lang...
pero parang natama-an narin ako sa linya mung: "walang mararating kung idadaan lagi sa takot at poot ng puso" .. kasi most of the time, I am afraid.. yes I am.. T__T
'Nuf said. Couldn't stress more.
Yung picture greeting ha :-D Until October 18 pa naman :-D
Happy 101st post... life is beautiful, count your blessings.
And don't forget to stop for a while and smell the flowers.
God bless you.
@indecent_mind: none of the above. may nagrequest lang ng topic. hehe..
@solo: haha! hindi naman. school is still fun. super hectic nga lang.. :D
@superjaid: onga..lalo na pag sobrang naging close friend mo ung tao diba..
@kox: huwaw naman! kahit pala papano may natamaan dito. hehe. tama yan. buksan mo na. naks!
@mccoolot: ok lang yan. normal lang naman sa tao ang ganun na reaction eh. :D take it slow.
@jepoy: haha! talagang pinaalala mo dito ah. anung pose ba ang kelangan dyan? hehehe...
@the pope: thank you po :D the flowers are always beautiful everytime i pass them by. hehe.
anak ng jueteng napisip at napa AMEN ako sa mga sinabi mo... lalo na yung:
kahit pa siguro magkapatawaran ay hindi na maaaring maibalik sa dating samahan...
wag mo ng itanong kung bakit ako tinamaan sa mga sinabi mo... basta SECRET!!! hahahahaha anyway ganda nitong post mo ah... bow ako sa taba ng utak mo sis....
pero nasa tao lang yan.... lahat tayo may choice diba?
@saul: may secret pang nalalaman ah. hehe.. salamat naman at nagustuhan mo :D amen!
Thanks for sharing this great post. Parang natauhan ako haha. Weee... ;D
April
Stories from a Teenage Mom
Mom on the Run
Chronicles of a Hermit
walang pinipili ang kung hanggang saan ang mag-mahal kusa ito, anu mang hirap at pasakit ang darating.ang kailangan lang harapin ito at wag talikuran...
teka parang makata ang dating nahawa ata ako....seryoso kasi...:)
wow! congrats... 101 na pala.. parang dalmatian lang ah!
masyadong serious... pero only one topic caught my attention.. TRUST!
kung sakali mang may nasirang TIWALA... ibabalik muli ito ng panahon at naniniwala akong pwede pang buuin ulit ang may lamat na. nasa tao un.. nasa puso ng tao. nasa paniniwala ng tao!
i will try to forget those bad memories that i had, just to focus on that.. heheheheh
first happy 101th post!... 2nd... nice kahit imbento eh ahlabit... "an empty heart is an empty soul"... 3rd... hmmnnzz... malamang sa malamang eh usapang kasintahan yan... hmmnnzz... sino ang lucky guy?... c'mon spit it out.. ahaha... =)
well... hwag tayong mabuhay sa sinasabi nilah... dahil nde naman tlgah naten kilala kung sino ang sila... like sometimes eh kc "THEY" think.. blah blah blah... who's they?...really... whos they?.. ahaha... gawin moh wat u think will make u happy... if u think it needs a little time for 'ur heart to heal and trust again then follow it... but if 'ur heart feels givin' this other person a chance to come to 'ur live eh di go ahead... sabi nga nila... to have a true love u have to go through d' pain... nde koh imbento yan.. narinig koh somwhere... ahah... or txt?.. ayonz...
life is too short and too precious and too beautiful to waste it... enjoy.... 'cause gaya nga nang cliche sayin'...any second could be our last... kaya live 'ur day everyday as if it gonna be 'ur last... so kaya naman... gawin moh ang mga bagay na makakapapasaya sau... follow 'ur heart and not others...
and to those who did wrong to u eh forgive them... and ask forgiveness sa mga taong nasaktan moh... sabi nga devah.. forgive and forget and love 'ur enemies... teka... keep track pa bah akoh sa sinasabi koh?.. ahaha... sige... nakagamit kc akong nang comp. nang ate koh... ingatz lagi... teka.. takte! balik reality palah akoh bukas...
ignatz lagi.. Godbless! -di
*live este LIFE... kaw na bahala sa typo errors as always... =)
Tiwala, parang gelatin. Kapag nakain na, di na pwedeng buuin ulit. :(
Wee..Happy 101th post. =D
Summer
A Writers Den
Brown Mestizo
hi chikletz muzta
korek nasa tao lang yan kung aalisin natin sa ating isipan ang nangyari noon. kung ayaw mo ng magtiwala nasa iyo yon magagawa mo nmang magtiwala ulit kung gugustuhin natin. kaya tama yung sinabi mo nasa tao yon. nasa sarili nating desisyon. try mo lang magmahal muli
nice post
@basyon: you're welcome :D
@everlito: eh panu pag ikaw na ang tinalikuran? hehe..
@azel: uy thank u! :D oo, nasasa kanilang dalawa diba..pero feeling ko kasi talaga ang hirap na eh. hmmm..
@tim: anu daw? lol!
@dhianz: 1st, salamat. 2nd, astig noh? haha! 3rd, walang ganung isyu. requested topic lang toh ng friend ko :P
huwaw ang bibigat ng mga salitang binitiwan mo sis ah. di ko nakeri un infairness. haha! pero marami akong natutunan. salamat :D
@acrylique: onga noh..tapos masarap pa..tsk.
@summer: thanks!
@jettro: thanks po :D open up the heart again diba nga.. hehe.
Post a Comment