nagpapasalamat ako sa itaas. salamat po.
namiss ko ang blog ko. namiss ko ang blog nyo. ang daming nangyari mula nung huli kong post. last weekend nagkasakit ako. sipon na bonggang bongga. hindi ako pumasok ng tatlong araw sa weekend job ko. may verbal warning tuloy ako ngayon. tsk. anyway, nung medyo gumaling na ko syempre ayoko naman magmukmok sa bahay kasi baka hindi ako gumaling ng tuluyan. so lumabas ako pero imbis na magtawag ng makakasama, ginusto ko talagang magsolo nung araw na yun.
una muna nagpunta ako sa city library para makapag catch-up sa mga papers na kelangan kong i-type. infairness natapos ko naman. kainis lang sa library na yun eh walang wi-fi. kelangan may ethernet cable ka talagang dala. ang problema sira ung wired internet ko. kelangan wi-fi lang talaga. pasosyal ang bwisit. ang nangyari hindi ako nakapag-blog. papers lang talaga. pwede na.
pagkatapos dumaan ako sa simbahan. umupo lang at tumambay sa loob. nagtitigan kami ni Jesus. masaya naman saka tahimik. yung tipong nakaka-kalma ng utak. tapos dun ko na rin binasa ung isang chapter ng libro na kelangan kong basahin para sa class ko. opo opo, alam ko pong place of worship yun. pero naisip ko din na welcome naman ako dun kahit kelan saka hindi naman siguro magagalit si Jesus kung magbasa ako ng homework ko sa bahay nya. it's the best place to be, diba. sa loob ng isang oras na nasa simbahan ako, may mga iba din na tumambay sandali. siguro 4 out of 6 ay pinoy. share ko lang.
pagkatapos sa simbahan pumunta ako sa mall. nanood ng sine mag-isa. perstaym ko un. dati kasi naiisip ko na hindi ko kayang gawin yun kasi parang sobrang lungkot naman saka napaka-loser ko kung ganun. pero ok naman pala. tahimik. walang nagco-comment. walang kumakalabit sa'yo at higit sa lahat walang nagtatanong kung anu ang nangyayari sa palabas. namannnnn. dahil desperado akong manood ng sine nun, kahit walang magandang palabas ay pinilit ko pa din. ang napanood ko ay "9". ung animated movie na gawa ni Tim Burton at si Johnny Depp ung main character's voice. ayos naman ung movie (sana wag 'to mabasa nung friend ko na nag-aya sakin na manood ng 9).
un lang naman ang kwento ko. pagpasensyahan nyo na kung medyo na sidetrack ako this week at hindi masyado nabisita sa blogs nyo. babawi ako.
keep posting and happy blogging to everyone!
20 comments:
mabuti naman po at gumaling ka na sa sipon - hirap magkasakit damit naapektuhan.
pwede mo naman gawin lahat sa bahay ni Papa Jesus wag lang mag labing labing. welcome lahat kay Papa Jesus
CHIIIIIIIIIIIIKKKKKKKKKZZZZZZZZZ!
pasigaw lang hehe. buti naman at wala ka ng sakit! yehey!
at parang nainggit ako ng 1/4, gusto ko rin idate ang sarili ko..kea lang dapat libre niya, wahahaha @_@
keep safe sis :) *tingnan sa feed kung taga-saan ako sa bulacan hihi*
masarap mag isa minsan. hehehe :D maganda ung 9? buti naman at gumaling kn. ang hirap ng may sipon eh. pag may sipon ako, uubuhin at lalagnatin na ko. :) ingat :)
@paps: onga naman noh. bawal un. haha!
@tsenn: TSENN!!! taga Pulilan ka pala.. malayo ba un sa sta. maria?
@kox: onga. masaya ang date. buti ako ndi naman nilalagnat.. whew! oist ingat kayo :D
ako rin na-miss ko ang mga tambayan..
at nice to hear that ur good na.. =)
zencya na sobrang naging hectic ang schedule ng lolo Goryo.. tumakbo, lumangoy, nagpa-spah, nagtanggal ng tinga, etzetera etzetera.. salamat at di kayo nagsawang dumalaw at bumisita sa aking mumunting tambayan.
diko maipapangako na hindi ako magiging busy sa mga darating na araw subalit pipilitin kong bumisita sa mga tambayan once in a while.. mabuhay kayo!!! =)
naku chikletz hinay hinay lang, nagkakasakit ka na tuloy...
gawain ko rin yan kapag gusto ko ng katahimikan, tambay sa simbahan...namimiss ko tuloy ang adoration chapel ng edsa shrine...
at welcome to the club ng mga nanonood ng sine mag-isa ahahahaha:D
masarap minsan ang mapag isa...mas nakakaisip kung anu ang mga susunod na gagawin....basta ingat lang at laging nakasmile!
buti naman at magaling kana sis..^__^ masubukan nga ring manuod ng sine ng magisa..hehehe
kaya pala..ayos naman at magaling ka na..ako dati kapag nag-iisa ay lumalakbay ang isip ko sa kung ano ang isulat..may kaharap na yellow pad at ballpen..hehe..ngayon kahit hindi na nag-iisa, kahit kasama na ang mga kaibigan, kahit nag iinuman pa ay naglalakbay na rin ang isip ko sa pagsulat kasi sa cellphone ko na save ang mga sinusulat ko..basta tula lang o kaya poem..sa cellphone na ako ngayon nag susulat ng mga tula ko o poem..ang isa ngang blogger na katext ko ay lagi kong forward sa kanya kapag tapos na..siya lagi ang nauunang makabasa ng mga sinusulat ko para ipost sa blog ko..kung sino man siya na blogger ay di ko sabihin..basta nasa blog list ko siya..babae siya..
It's ok, at least we now know na you are ok na. =D And just continue your schooling oks lang yan. Kaya yan go! =D
Summer
A Writers Den
Brown Mestizo
ui na miss kita ah... anu na ? okay ka na ba sis? be safe please
Chikletz!!!!! Xoxoxo....
good thing magaling kana..
wag ka kasing magpuyat masyado... have enough rest...at saka tubig palagi..
>:D<
mag-iingat ka palaig ^_^
dont think of me too much, para di ka magkasakit...sa pnaho ngaun bawa mgkasakit kaya idiatabs mo...well just trying my luck to mke you smile...sana epektib...
anyways ingat lagi jan & anyting in gods name all will b posible...
yung nanonood magisa ng movie nice same here...hheheh
@goryo: nako ako din sobrang busy eh. laging hectic.. err!! apir!
@deth: haha! salamat sa pagwelcome sakin :D eto na hinay hinay na.. thanks ulit!
@everlito: oo naman. laging nakasmile dapat :D
@superjaid: nyeh bakit ka naman manonood mag-isa? may bf ka naman diba? hehe.. nde...pero try mo nga kasi masaya naman kahit papano..
@arvin: writer na write talaga ang dating mo ah..hehe.
@summer: salamat po.. ok na ok na ko.. :D
@saul: namiss din kita saul!! ok naman na ko.. busy lang lagi.
@mccoolot: salamat sa concern >:D< ingat ka din lagi!
@scofield: haha! feeling ka mashado ah. apir!
well basta wag mag papagod kasi kapag nag kasakit ka jan.... hehehe di kita madadalaw para batukan ka at sermonan dahil nag pabaya ka sa health mo.... just be safe sis
@saul: thank you ng marami!! :D
Yeah it has been a long time. Namiss din kita! haha
Nagustuhan ko namn ang 9. :)
Ingat ka lagi. :)
adik anung thank you ka jan... may bayad yung pagigng concern ko sa iyo... isang large fries yun at isang timbang ketchup.... tomato dapat... allergic ako sa bannana ketchup eh... joke lang yung bayad thingy... basta ingat palagi....
huwaw! loner na loner ah..haha! >:D< mmmmmmm
@clumsyfairy: >:D< mmmmmmmmmmmmmmm onga eh. hehe.
Post a Comment