Wednesday, October 7, 2009

Paano Na?

1. pano kung may isang taong naging sobrang malapit sa'yo tapos may nagawa ka sa kanya na sobrang nasaktan sya?

2. pano kung lumipas na ang ilang panahon pero padagdag lang ng padagdag ung sama ng loob na nabibigay mo sa kanya at kahit hindi mo siya gustong saktan nasasaktan mo pa rin sya ng sobra?

3. pano kung mahigit kumulang 100 times ka ng nag sorry pero hindi nya matanggap kasi wala ng bisa ung sorry mo?

4. pano kung gusto mong umpisahan ulit ang lahat pero palpak pa din ang restart button mo?

5. pano kung sabihin nya sa'yo na "i wana hate u 4ever. just 2 stay away"?

nakakapanlumo diba? dito mo mararamdaman sa punto na 'to na kahit anung gawin mo wala ka ng mababago. wala ka ng pag-asa. hopeless. dito mo mararamdaman na hindi ka karapat dapat patawarin. dito mo marerealize na sobrang sama ng nagawa mo dun sa tao na 'yun. pano na? anung gagawin mo? anu pang magagawa mo?

23 comments:

2ngaw said...

Tanggapin ang lahat at subukan i-focus sa iba ang sarili. Lalo't alam mong ginawa mo na ang lahat para sa kanya pero wala pa rin...

Matuto sana tayong i-let go ang mga taong mahalaga sa atin lalo't tayo ang madalas na dahilan ng kanilang pag iyak...

2ngaw said...

At kung talagang mahalaga sya para sayo, kapag dumating ang panahong napatawad ka nya eh sigurado naman hindi sya magdadalawang salita na bumalik kayo sa dati db?

Deth said...

natry mo na ba ang "super sorry" sabi ni BO kapag yan ang sinabi sayo wala ka nang karapatang di siya patawarin dahil "super" na yun...hehehehe

kiddin' aside... given the fact na you did your best to show how sorry you really are and that you never intentionally wanted to hurt this person... medyo gasgas na tong sasabihin ko pero "time and space works". the more kase na pinagpipilitan natin na patawarin tayo ng mga taong nasaktan natin lalo lang natin pinapaalala sa kanila yung sakit na naidulot natin sa kanila...

yung galit niya...sooner or later it will all fade din naman...

Reagan D said...

wow hebi nga yan. pero naranasan ko na yan. (both na nakasakit at nasaktan).

nasabi na nila halos lahat ^.

kaya ang masasabi ko na lang, time heals all wounds.
and sabi sa bible (though di ako masyado bihasa), to be forgiven, forgive seventy seven times seven (parang ganun, diko kabisado sori)

hihi.

clumsyfairy said...

aww.. so sad naman to chik.. kilala ko ba to? :-(

an_indecent_mind said...

di pa siguro nya kayang tanggapin ang sorry mo.. mas ok na din yun na honest sya sau, keysa naman tanggapin nya pero deep inside e nasasaktan pa rin xa...

forget and forgive... time can heal all wounds.. bigyan mo muna sya ng space to breathe and sink in lahat ng nangyari at marealize nya reasons mo.. give space pero not much na aakalain nyang nag let go ka na..

and never forget to remind him na andyan ka pa rin, naghihintay lang...

cheer up!

© Gello - kun` said...

nakakalungkot naman to chiklets. :(

Hari ng sablay said...

kung sa akin nangyari yan siguro bbgyan ko ng tym at mdyo makikipag-iiwasan dn,pero sympre easier sed dan done, mhirap tlga ganyan situation nangyari na sa akin pero di gnyan kgrabe,

pagbigyan mo nalang anong gusto niya tutal ginawa mo naman ang lahat,tao lang tayo, nagkakamali.

mingkoy said...

Yaan mo na sya. Di natin un bati. Its his lost anyway..

Cheer up.

ACRYLIQUE said...

Mang-away sandali. Tapos let-go and move on. :)

Anonymous said...

@lord: onga naman matuto tayong mag let go. mahabang oras ang kelangan pag ganun diba. hehe. salamat sa payo :D

@deth: haha! dapat pala ginagamit ang super sorry para mapatawad. tama tama..

@reigun: i like that verse :D

@clumsyfairy: hindi eh. haha!

@indecent mind: hmmm.. give space but not to the point na maiisip nung taong un na nakalimutan mo na sya... panu ba un. haha!

@gello: onga eh. sori kung nahawa ka. haha!

@hari: tama..nagkakamali tayong lahat.. iwasan na lang. hehe.

@mingkoy: awayin daw ba? haha! sira..

@acrylique: ikaw din makikipag away? haha. ayos ah..

Jules said...

Let the time pass and the space find it's own way to forgive.=D Mapapatawad ka rin nun, tao lang tayo remember? We do feel hurt, hatred and we also know how to forgive. Let that person you love go for now. I am sure he/she will go back to you soon. =D

Summer
A Writers Den
Brown Mestizo

Superjaid said...

time heal all the wounds..time will come mapapatawad ka rin niya..dony lose hope..

Joel said...

tama, time and space lang ang kelangan nya.. mapapatawad ka din nya pagdating ng panahon, at kapag dumating na yun sana iwasan mo na lang sya ulit masaktan, sana nga maiwasan mo na talaga syang masaktan..

Choknat said...

gagayahin ko si clumsyfairy, kilala ko ba to?

gagayahin ko si gello, ang lungkot nga.

pati si mingkoy gagayahin ko. it's not your lost anyway, it's his lost anyway. natatawa ko.

eto talaga sasabihin ko. kalimutan mo na ung taong un, kung di sya marunong magpatawad.. ibig sabihin wala syang kwenta. eh 100 times ka na pala nag sorry, akalain mo un. nabilang mo? haha

ang daldal ko.

Goryo said...

pag sagad na ang tawad na hinihingi mo at ayaw pa rin ibigay... may solusyon ako jan.. sa tutuban mall marami mura dun... di mo na kelangan humingi ng tawad.. ahihi

nagpapatawa lang po.. baka sakaling maka-gaan =)

Anonymous said...

@summer: time will tell right. hayaan na lang muna. just go with the flow of life. hehe.

@superjaid: salamat friend :D

@kheed: iwasan ko na lang kaya? para ndi na masaktan talaga? o diba. hehe..

@choknat: iwasan na ba? hmmm.. ok.

@goryo: haha! dalawang beses ko pa talaga binasa ung comment mo para ma-gets ko.. LOL! slow...

April said...

Nakaka-relate ako haha. Eeii, kilig mode ako haha. ;D Ako din may nagawan ako ng kasalan, ayun ang lolo hanggang ngayon di ako kinakausap. Isinumpa na ata ako lolz. ;D Pero hinayaan koh lang baka sakaling dumating ung araw na muli nya akong kakausapin..;D Let them muna, then wait for your turn ika nga. Naks! ;D

April
Stories from a Teenage Mom
Mom on the Run
Chronicles of a Hermit

iya_khin said...

as long as you already said that you're sorry and you really mean it from the heart then it's enough, you dont have to please or to prove anything...naks english yun ha! nosebleeding.....

Si lord nga nakapagpatawag, tayo pa kaya,dabah?!

and i believe that time heals a wounded heart....

Anonymous said...

@basyon: haha! nakakakilig pala to.. thanks April

@iya_khin: wow! haha! nag nosebleed din ako dun ah. hehe. salamat!

Random Student said...

huwaw bago ang header. better. naks. experienced na what you experienced about not being forgiven (when it is sought) for something wrong that you did. you did the right thing to ask for forgiveness. just let the other person forgive himself/herself, too. lagi kasing two-way highway ang reconciliation.

Anonymous said...

Q1:Kung sa tingin mo malapit ka sa kanya, at ganun din siya sayo, iintindihin ka niya, maiintindihan ka niya.
Q2:Kung ganyan ang sitwasyon, isa lang ang ibig sabihin niyan: Malapit ka lang sa kanya, pero hindi mo siya lubusang kilala.
Q3:Walang bisa ang patuloy na sorry kung patuloy mo siyang nasasaktan. Para ka lang nangaasar nun eh. Kung pisikal na nakakasakit yung mga bagay na "hindi mo sinasadya" malamang patay na yung taong yun.
Q4:Ineng, para sa iyong kaalaman, ang restart button ng buhay ay katumbas ng pagrereformat ng kompyuter mo. Ginagawa yun kasi may virus na hindi magagamot kahit anong pilit. Kaya ang solusyon dun, BINUBURA.
Q5:Yun na siguro ang pinakamabilis at epektibong paraan na maiisip niya para lang mawala ka sa buhay niya. Dahil Ineng, kung ganyan ang kalagayan niyo, hindi lang naman ikaw ang may gustong magrestart(see Q4 for definition)...siya rin. At mas malinaw pa sa bolang kristal ni Manang Bola, na alam niya ang tamang paraan para magrestart...ito ay ang lumimot at limutin.

Ineng, ang hindi pagpapatawad ay hindi nangangahulugang napakaitim ng budhi mo at napakapanget at napakasalimuot ng nasabi o nagawa mo. Hindi ganun yun. Hindi pagkakaunawaan. Yan ang punot-dulo nito. Dahil kung naiintindihan ka niya, noon pa man, napatawad ka na niya at napagbigyang muli ng isa pang pagkakataon...pero hindi nangyari yun. At ganun din sa panig mo, kung naiintindihan mo siya, naging madali sana ang pagtanggap mo na hindi naaakma ang inyong mga saloobin sa isa't-isa, at madali mo sanang nakita na wala nang mababago sa sitwasyon, hindi ka na sana umasa pa, at hindi ka na sana lubusang nasaktan. Ang buhay ay hindi parang guro kung magturo. Hindi nito sinasabi ang mga tama o mali, bagkus, pinadadama niya ito para lubusan mong malaman at maintindihan ang kahalagahan ng mga ito. Hindi niya idinadaan sa mga simpleng paraan, ginagamit niya ang kalupitan dahil yan ang paraan para tayo matuto at matauhan.
Sa karanasan mong yan, pinapipili ka ng buhay:
Lumayo, o mapako.
Lumimot, o lumutin.
Magdrama, o magsaya.
Mali ang taong nagpupumilit sa ayaw...dahil ang lahat ng sakripisyo mo at mga magiging sakripisyo mo, lahat, mababale-wala lang nang mababale-wala...

Anonymous said...

@random student: salamat :D at sana nga mapatawad na nya din ang sarili nya..

@anonymous: salamat sa pagdaan dito. sana naman nagpakilala ka para alam ko kung kilala kita. hehe. salamat sa mga sagot sa mga tanong ko. ang daming kong natutunan at kelangan pang matutunan. tama..mali ang taong nagpupumilit sa ayaw.. salamat ulit :)