sabi sa movie na "My Amnesia Girl" na pinanood ko noong biyernes,
"Bakit mo ba pinupuntahan and isang tao?"
"Kasi gusto mo sya."
ang sabi ko naman... "weh??" ka-korni ng pelikulang 'to! pero dahil napaka korni ko din na tao at mababaw ang kaligayahan ko, eh syempre natuwa at kinilig naman ako. mahilig kasi ako kay John Lloyd Cruz. oo mahilig ako sa kanya.
pagkauwi ko galing sa sinehan kasama ang mga friendships ko, nagkasakit ako ng saglit. oo sandali lang. tipong 30 minutes lang akong sinipon tapos nawala na. tapos may nagtext noong gabing 'yun. si boylet (weh, may boylet nga?!). nangangamusta. namiss siguro ang mainit kong yakap at matamis kong halaya. ung ube na dessert. marunong kasi akong gumawa nun, minsan. e di sabi ko nagpapahinga ako kasi may sakit ako. tas tinanong nya kung gusto ko daw bang bisitahin nya ko. feeling naman nya. sus. sabi ko wag na kasi ok lang naman ako at magsaya na lang sya dahil may gig din naman sya nung gabing yun. tas nagreply sya ulit. eh gusto daw nyang bisitahin ako. kumalat ang kilig sa buong katawan ko. di lang halata kasi marunong akong magpanggap, minsan. sabi ko, "sige na nga, if u insist". joke lang di ko sinabi un. sabi ko lang, "ok. if you want to :)". parang wala lang din pinagkaiba sa "if u insist". e di binisita nga ako ni mokong. wala na kong sakit nun.
tapos kagabi, sabado. hindi lunes. napuno ang araw ko ng pagbabasa at pagaaral. wala ng mas kokorni pa dun. nag-take kasi ako ng test para sa teaching credential ko. sana pumasa. apat na oras ang test na yun (2pm-6pm). pagkalabas ko sa room naramdaman ko bigla na may namatay. 90% ng brain cells ko ang pumanaw nung gabing yun. pero may magandang nangyari kahit papano. na-exercise ang kamay ko sa pagsusulat. tapos naisipan ko na hindi pa huli ang lahat. inaya ko si boylet kumain para bigyang buhay muli ang mga cells sa utak ko. pagkakain namin narevive ko mga 50% lang nung 90%. pagkatapos kumain, nag-exercise naman kami ng mga legs namin at naglakad lakad. parang date lang. pero dahil pagod na pagod na ko. tinapos ko na ang gabi.
pero hindi pa pala tapos kasi pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay, may nakuha akong text. may nag-aaya saking magkaraoke. nako! bihirang bihira akong humindi sa pagkakataong magkakaraoke ako. tapos libre pa. e di larga na naman ako. pagkadating ko dun, may inuman at pulutan. kantahan at kasiyahan. at dahil uminom ako ng alak, dun ko lang naramdamang nabuhay ung ibang 50% ng brain cells ko. picturan at biritan. papangitan kami ng mga boses. magulo. mga lasing sila. ako kunwari lang na lasing. ayokong ma-OP eh. joke. mabilis akong malasing. at mga kids wag na wag kayong magda-drive na lasing kayo. at mga adults bahala kayo sa buhay nyo. pero napagtanto ko na pag lasing ako mas alerto ako sa pagda-drive. praning na makakita ng pulis.
pagkauwi sa bahay, bagsak. sarap ng tulog. di masarap ang gising. galit na galit ang brain cells ko sakin. oks lang masarap naman ang kapeng ininom ko kaning umaga, kahit di ako umiinom ng kape, napilitan lang ako.
14 comments:
last na mo n yang pagddrive ng lasing ha? hahaha. maxadong delikado ^_^
-kikilabotz
always remember, "safety first" Marami na ang namatay dahil sa pagddrive ng lasing :) And secondly, wag sasakay sa car ng driver na lasing.
Pero definitely hindi masama ang malasing, lalo pa ang uminom lang.
ay..delikado yan.hehe
@kikilabotz: opo. haha! asa :P
@rah: i very much agree with your very last comment. haha!
@busyokology: i live a dangerous life. bwahahaha! joke!
naman naman namannnn... namiss kitah naman! naman... naman kc! lolz.. namiss kitah ms. CC! kalerki kah.. san kah nagpunta?! teka akoh den atah nawalah... lolz.. nde koh binasa ang post kc 'bout d' movie bah yan "my amnesia girl?" kc baka panoorin koh bukas or tuesday... showin' den ditoh samen... nde na exciting kugn alam koh na mangyayari... pero naman kc namiss nga kitah... graveh... lolz... nde obvious noh?! haha... ei! juz incase lang naman nde na makabati eh advance merry christmas to yah nd a blessed 2011... ingatz lagi... *muwahugz*... Godbless! -di
@SC: ay nako! ako ay nagliwaliw sa tabi tabi..e ikaw aber?! lol! may kinakarir ka ata eh! :P namiss din kita friend! dalas dalasan mo naman ang pagpopost mo. please lang. anyway matutuwa ka sa movie dahil natuwa ako at alam kong parehong mababaw kaligayahan natin. hahaha! weee!! merry christmas and happy new year din sayo :D
ahahaha... naman! nainggit naman akoh.. may boylet! kalerki... pahingi nga... nde 'un boylet moh... kung may nagkalat man na boylet dyan.. lolz.. haha... natuwa naman akoh sa pagkakuwento moh.. natutulog na 30 percent nang brain cells koh.. nagising 'ung other 5.. so 25 percent na lang natutulog... haha.. nalerki naman kc akoh sa post.. btw haha.. natawa naman akoh pag drunk eh alert lalo kc sa police.. haha.. hoy! be careful sa pagdridrive pag lasing... better yet.. hwag mag drive pag lasing.. mahirap nah... mababawasan nang magandang boses sa mundo... geez! lolz.. dahil sinabi moh friend na maganda hangmovie eh bukas na bukas eh tatakbo akoh sa theatre... baka may boylet na nagkalat don.. lolz... SC? pano akoh naging SC? simply C? hahaha... lolz.. ano 'ung SC? nd hoy! gabi nah gising ka pah? nd teka.. email toh???! lolz.. haha.. namiss kitah friend! oh devah friend na tayoh... lolz.. =P tulog ka nah... kc pagod ka nah... maghapon ka nang tumatakbo sa yutakz nang boylet moh... hahah.... oh hinay sa pagngiti... lolz.. peace out! =P
@dhianz: SD!! typo! may ilang percent na rin sa mga brain cells ko ang tulog na. sensya na! haha! panalo lagi ang long comments mo! lavetttt!! ay gudlak sa boylet hunting mo sa sinehan. tiyak marami dun! haha! kasi baka dala nila mga gf nila :P at wag ka magalala di na mauulit ang pagmamaneho under the influence para di mabawasan ang good voice genes. bwahahaha! asa! o sya! ipahinga na ang mga brain cells. gudnayt!! anu toh? chat?!!
hahahaha..... hoy! matulog ka nah... kc tulog nah 'ung 50 percent nang brain cells koh... haha... kaw den pagpahingahin moh na ren sa boylet sa katatakbo sa yutakz moh... geez! lolz... next time na uletz kayo mag-exercise... yep... hhwwPSSP pah.. okz... much luv ms. CC! nite nite... Godbless! =)
nakuu delikado yan sis..inom alng ng inom wag na lang magdrive pauwi hehehe
ikaw na ang pasaway na guro na nagdadrive nang nakakainom! yan ba? yan ba? yan ba ang ituturo mo sa yong mga istudyante na kabutihang asal? nyahahaha!
ingats lagi! alam mo na yun...
an_indecent_mind
@superjaid: haha! di na mauulit :)
@indecent mind: hahaha! walang kwenta noh? :P ingat din po!
melovelife naaaaaaaaa!!!!
@jepoy: ayeeeee!!! gumaganun? haha!
Post a Comment