putek kakauwi ko lang galing sa gig ko. oo may gig ako kanina. kasama ang buong banda. oo may banda ako at ang instrumentong gamit ko ay ang aking mga kamay. use your imagination. nag-countdown kami sa isang bar for new year. masaya. magulo. maingay. masaya. magulo. maingay. nawala ang lasing nung pauwi na kami. isang damakmak na pawis kasi ang ineject ko sa katawan kong sexy (bagong taon na. wag kang hater). naubos tuloy ang alcohol sa sistema ko. kanina habang nasa sasakyan nag-iisip ako ng new year's resolution. wala kasi akong maisip. last year dalawa ang new year's resolution ko:
1. maging mas matulungin sa ibang tao
2. tumawag sa lola ko sa pinas na mas madalas
isa lang ang nagawa ko at hindi ko na sasabihin kung anu. sikret! wag kang magulo! so this year nga wala pa din ako maisip. i'll try to be even more brilliant. napaka brilliant ko kasing tao eh. minsan lang naman kung gugustuhin ko talaga. walang kokontra. oo sexy ako at brilliant. o diba inuumpisahan ko ng matino 'tong 2011 na toh. dami kong self-confidence. bakit ba?! gusto ko eh. marami akong gustong mangyari sa loob ng taon na toh. gudlak naman sa mga tatahakin ko. kakailanganin ko ng mega powers para maging successful ako sa mga projects ko. susyal may projects?! sana din pala maging active ulit ako sa blogworld tulad nung dati. help me!
o sya. kelangan nang maghanda ng 2011 para sakin. pufffff!
19 comments:
happy new yr chikletz base din ako dito sa unang post mo ngayong taon. historical? hahaha..
tama ka start your yr nang ganyang klaseng confidence. malayo mararating natin. hahaha
-kikilabotz
Happy new year! Nakikiwish na sana maging active tayo ule sa blog world. :) Have a blessed & wonderful year.
- Ms. OP
ngayon ko lang nalaman na may banda ka pola chikletz. At dahil jan, gusto ko sumigaw ng Sampol, sam-pol, sam-pol! :) hehehe
Ayon sa imagination ko, ikaw ang vocalist. tama ba?
Anyway... kung mali man, happy new year nalang :) hehe
@kikilabotz: onga eh! kakaibang vibes ang nararamdaman ko.. haha! positive!
@ms.okraypinay: yay! gudlak satin! salamat!
@rah: banda dito banda dun lang ung banda namin. hahaha! kunwari lang un. banda lang tawag ko sa barkada ko. feeling? happy new year din!
Andaming nagbabalik.lol :) Para kang california girl, fine fresh fierce ang pagbabalik.haha
potek, bakit di tayo nagabot ng jamming? apir!!!
@rj: well ganun talaga. kelangan kong imaintain ang status. hahaha!
@reigun: haha! bakit nga ba?! apir!
dpat magcomment ako sa lahat ng entries mo para sipagin kang mag blog lage...o ayan tinutulungan na kitang makapagblog ng madalas :D
@CM: haha! thank you kuya!! hulog ka ng langit! actually mabait ka kaya hinagis ka papataas ng impyerno. ohaoha!!
@ronster: wala. pauso ko lang un. haha!
Splendid!
It's suffice to say that whenever we feel down, we (should) stop feeling down and be awesome.
Cheers!
@ronster: haha! ganun talaga ko. slight lang ang shyness ko :P
@jakey: exactly! avoid the drama!
Ikaw na ang sexy at brilliant. Most sexy at most brilliant pa, sing brilliant ng background color na nagmumurang yellow hehehe...
at ang seryoso ng resolution number 1! Tulong pinansyal ba yan haha...
happy new year chikletz
chickee kaw na brilliant at sexy hehehe.. at hindi ako hater ha..bilib na bilib ako sayo hehehe
happy new year chickletz!!!!
pipol humanda tayo sa bagong chikletz hehehe apir!
chickee pasama sa banda hehehe khit mga paa ko din gagamitin ko hehehe
@glentot: ako talaga! haha! ndi pinansyal eh.. physical at spiritual lang. haha! pero last year pa un..
@rico: hahaha! panalo! tara sama ka! nakiepal lang din ako dun eh.. saling pusa ba..
wow new year sa isang bar nice naman sis..happy new year ako din sana this year mas maging active na ako sa blogging world..
wow may GIG! banda ito? hahaha, i promise to give love this year....hahahha
ingat chikee!
@superjaid: pareho tayo sis! :D
@rhyckz: oo banda dito banda don! hahaha! isyu ka! ingat din po!
Post a Comment