Sunday, February 22, 2009

Ikiz: Kwento Number 1

isang umagang kay ganda. malamig ang simoy ng hangin. maliwanag ang kapaligiran at ang mga ulap ay tila ba iginuhit at pinintahan lamang ng isang pintor..noon ko sya unang nasilayan at sabay nagngitian ang mga nakapaligid sa amin. ang mga ibong magkakasama ay sabay sabay lumipad sa langit na aming nakamit.

ako'y naglalakad lamang noon sa labas ng isang gusali ng pamahalaan, sa tabi ng kalsadang puno ng mga sasakyang lumilipad na tila ba walang mga ibang tao na pwedeng mag jaywalk na lang bigla. pabagal ng pabagal ang takbo ng sasakyan nyang magara at kulay bughaw. palapit ng palapit. hayan na..malapit na..konti pa. at habang bumabagal at lumalapit, bumababa din ang kanyang bintana. pababa ng pababa ng pababa..at huminto sya sa harap ko. ako'y napatigil sa paglalakad at napayuko upang sya ay masilayan at sinabi ko, gamit ang matamis at mahinhin kong salita, "hi.." nagabot ang aming mga mata, napangiti sya, napangiti ako, at napangiti din sa galak ang aking pusong gustong sumigaw nang biglang..narinig ko ang mga salitang, "hello, goodmorning" mula sa kanya na para bang pabulong nyang sinabi sakin. kung narinig nyo lang ang pagsamo ng aking damdamin ay baka nabingi na kayo. sana'y hindi nya napansin ang pagbabago ng kulay ng aking fair-skinned face na naging pink. bigla nyang inextend ang kanan nyang braso na tila ba aabutin nya at hahawakan ang malambot kong kamay. un pala'y tinanggal nya lamang sa pagkaka-kandado ang pintuan ng kanyang magarang sasakyang bughaw. hinawakan ko ang sasakyan. hinawakan ko ang handle at binuksan ko ang pintuan ng kanyang sasakyan. nagabot muli ang aming mga mata..na para bang nakikiramdam nang lumabas bigla sa sasakyan ang mga estudyanteng hinatid nya upang pumasok na sa gusali ng pamahalaan. narinig ng buong madla ang pagtunog ng bell at un ang nagsabi sa aking kailangan na naming mamaalam sa isa't isa. "have a good day. bye." ang mga salita na sana'y naitakda ko sa isip nya. maingat kong isinarado ang pintuan ng kanyang sasakyan at sabay nyang pinalipad ito. sa distanya ay tila ba bughaw na ibon ang iyong nakikita. narinig nya kaya ang mga huli kong mensahe.. naiisip nya kaya ang mga matatamis kong salita..

at ako'y pumasok na din sa loob ng gusali ng pamahalaan. kailangan ko na magtrabaho eh. leche.

2 comments:

Anonymous said...

malalim to malalim hehehe,,,,

Anonymous said...

haha! buti hindi ka nalunod. :P

kilala mo ung characters dyan..