nasa laboratoryo na naman ako ng mga kompyuter sa silid aralan ng aking paaralan. wala pa akong limang minuto sa aking kinauupuan ay may nambulabog na sa aking konsentrasyon.
may isang asiano na mama na nakasalamin sa aking kaliwa na dumungaw sa aking kahon habang ako'y tumitingin sa bloga ko. ikinagulat ko ito ng kaunti.
"hi." ang wika nya.
nag-hi naman ako at nginitian ko. takang taka ako bakit sya nag-hi sapagkat kung nahandito ka sa laboratoryo ay mapapansin mo na dedmahan ang mga tao sa paligid mo.
bigla nyang tinanong..
"do you speak a foreign language?"
"yes." ang sabi ko.
"what do you speak?"
"tagalog. filipino language." ang sinabi ko sa kanya. tango naman sya. at nagtataka pa rin ang isip ko sa mga segundong iyon. bakit mo ko kinakausap??
ipinagpatuloy ko muli ang pagtingin sa akin bloga nang sumingit na naman sya..
"do you visit there?" ang dagdag na tanong ng asiano.
"yes." ang mabilis kong sagot.
"what's your major? im a math major." pakelam ko ba. nag-bblog ako. wag mo ko bulabugin!
"education. teaching." at sabay ngumiti ulit ako ng simpleng simple at bumalik ulit sa pagbbloga.
"you gonna teach high school?" nakukulitan na talaga ako sa puntong ito.
"no. elementary." ang maikli at simple kong sagot.
tumango tango lang sya. sa gilid ng mata ko'y nakikita ko pa din na sumisilip sya sa kahong kinauupuan ko. dinedma ko na lang.
un lang. nais ko lang na ibahagi ang kwentong ito sa inyo. parang bitin ba? hehe.
13 comments:
waaaaaaaaa! minsan may mga tao talagang npakakulit! gaya nun mukhang geek na sumisilip sa cubicle mu chikletz... ahaha.. parang meron kag stalker dyan chikletz ahh.. ahheheeh...
sana si john lloyd na lang stalker ko. hahaha! buti nga ndi na ko ulit kinausap kasi lilipat na talaga ko ng cubicle.
ahaha.. kala ko jorich..johnlloyd pala.. haha.. (peace) hahaha.. baka gusto nya friends kayo.. feeling close kasi xa.. haha
naks naman !!! my gusto sau un!! hahaha i know ... i know everything... hahah
@webslave: haha! bakit? stalker is din ba? cguro nga gusto nya friends kami. iniisip nya cguro na friendly ako. hehe..
@camille: sira! kaw naman..may gusto agad nasa isip mo. haha! baliw!!
ngeeee.. naman diba pag stalker indi mu kilala, e kilala kita eh. i mean magka kilala na tau.. hahaha.. so indi ako stalker.. hahaha... (defensive ba?) .. o ayan pa advice ka na kasi kay camille.. hehe
haha meron un! lagi tama instincts ko.. hahahaha
@webslave and camille: kukulit nyo! haha!
@cam: oo na, may gusto kung may gusto. kaso nga lang sa kasawiang palad ay hindi na kami magkikita muli. haha!
@webslave: defensive ka nga. di ko naman sinabi na sakin ka nagsstalk. eh. haha!
ahahah.. napansin ko nga.. pero ang subjects ay ikaw eh.. hahaha.. teka, baket d na kau magkikita? sayang d kau ng kakilala.. may gusto pa naman sau un...(ayun sa instincts ni camille. hehehee)
anung kguluhan po ito?my nririnig akong johnlloyd bnda dito,hahaha sumingit ang filingero..biro lng po un,lols
@HARI: haha! filingero nga! buti ndi ka biglang nag-ibang anyo at naging si michael v. LOL!
hehehe. mababait tayong mga pinoy. we like to accomodate even strangers who are pestering us. notice ko naman sa US, hilig nilang mag-HI; how ya doing? pero, they can be blunt like "umm, i can't talk right now, i'm really very busy".
@sagada: that's true. very straight to the point mga taga US.
Post a Comment