Thursday, April 23, 2009

Ikiz: Kwento Number 3

hindi ko akalaing magkakaroon pa ng kasunod ang Ikiz: Kwento Number 2. maikli man itong susunod na kwento ko ay mayroon pa din itong malalim na kabuluhan para sa akin.

umaga muli nang mangyari ang aming pagtatagpo sa ikatlong pagkakataon. may seremonyang magaganap para sa mga bata sa eskwelahan at ang nakababata nyang kapatid ay makakakuha ng "Best Improved in Behavior" award (gawa-gawa lang ata yung award na yun eh. haha!). Dahil dun, siya ay dadalo sa pagtitipon-tipon. maganda ang ayos nila ng kapatid nyang nakababata (mukhang mabango). nanabik muli ang puso ko sapagkat naglakad silang dalawa palapit sa akin. kunwari nama'y hindi ko napapansin.

"goodmorning. do i go with him (tinuro ang kapatid na bata) inside or do i go in later?" ang tanong nya sa akin, at sabay ngiti.

pakiramdam ko ay natunaw na naman ako, pero bago matunaw ay namula muna ang mukha. kahit malamig ang simoy ng hangin noong araw na 'yon ay ramdam ko ang init sa aking mukha. iniwas ko na lang muli ang pagtingin sa kanya at pinagpatuloy ang trabaho sabay sinabi kong..

"oh hi (kunwari ay nagulat pa ako)! yes you may come in with him through that gate (at itinuro ko ang gate)." biglang tumunog ang bell pinahayag sa aking kailangan ko ng pumasok sa gusali ng pamahalaan. pinakiramdaman ko sya nang biglang..

biglang..

biglang..

biglang..

sinabayan nya ako sa paglakad sa loob ng gusali at ang kapatid nyang bata ay pumapagitna sa aming dalawa (sige gamitin mo ang imahinasyon mo para makita mo ang pangyayari). sa isipan ko ay 'sana'y hindi mo marinig ang lakas ng tibok ng puso ko!' sapagkat rinig na rinig ko ang puso ko kahit kausap niya ako ng mga minutong iyon.

"where is the MPR?" ang mahinhin nyang tanong sa akin.

"oh im going that way. i'll show you where." hindi naman talaga doon ang daan ko ngunit pagkakataon ko ulit iyon na makapiling siya kahit konting sandali (..kung manggagaling sayo ay labis ko ng ligaya dahil sa ikaw ay mahal ko..) kaya't sinamahan ko na at hindi ba't iyon naman talaga ang dapat gawin ng isang mabuting mamamayan--tulungan ang mga poging nangangailangan ng tulong.

nang makarating na kami sa aming patutunguhan ay naghiwalay na muli kami ng landas at ang pabaon nya sa akin ay..

"thanks! bye!" at hindi maaaring walang matamis na ngiti.

"no problem!" ang wika ko at pinabaunan ko din siya ng mas matamis kong ngiti (at mga lumilipad na halik nang makatalikod na siya).

biglang nakita ako ng guro na tinutulungan ko at tinawag ako. sinabi nya na pumunta daw ako sa MPR at hintayin siya dun. laking ngiti ko habang naglalakad papuntang MPR (multi-purpose room pala yun). siya agad ang hinanap ko at nang makita ko na ay hindi ko na maialis ang tingin ko sa kanya hanggang matapos ang seremonya.

sinundan ko na ang guro at nagkasalubungan kami ni Ikiz (yes naman!).

muling nagpasalamat sa akin at nagpaalam, "bye. thanks."

"bye." ang mahinhin kong sinabi.
hindi na sya muling lumingon pa.

-ang pagtatapos-

12 comments:

Hari ng sablay said...

ayun at nauna din...

kakakilig nman nun. drating ang araw hahanap hanapin ka din niya.at alam ko ung mga lumilipad mong halik hinabol siya.at kung hndi man nkaabot sa pwit na lng nkasabit.lols biru lng po...

Reyjr said...

hahaha... anu ka ba!! may ka live in na yun! :p

webslave mc'coolot said...

yays! chikletz mukhang kilig moments to ah... hmmp! hehe.. kahit bulol-bulol ang pgbasa ko, pinagtyaga-an ko..alam ko mganda ang post na to.. haha.. mukhang maka relate din ako nun ah.. kung may cute at magandang babae, talagang tutulongan ko.. hehe.. o cge sa next time uli! enge ka advice ni camille, para nman sau.. hehe ^^,

*hugs*

Anonymous said...

@hari ng sablay: haha! gudlak! may ka live-in na un eh. LOL!

@reyjr: kinilig lang naman ako. ndi na umaasa. haha!

@webslave: yes super kilig moments nga. as in! haha! bakit ka naman nabulol-bulol?? pag ako humingi ng advice kay camille, nako gudlak! haha!

webslave mc'coolot said...

kasi nman chikletz, d ako magaling mg tagalog.. haha. bulol-bulol ako mg salita.. hehe... pero pinagtyaga-an ko pa rin ang pag babasa.. naka ahon nman kahit papano.. hahaha

Anonymous said...

@webslave: buti naiintindihan mo si camille. haha! galing mo! congrats!

webslave mc'coolot said...

hahaha.. xempre magaling ako mag intindi...hehe.. basta wag nyo lang ako pababasahin nang napakahabang tagalog na story.. mabobored ako nun.. haha.. bulol2x ako mg salita ng tagalog.. hehehe.. cge na chiletz, go ka na, pa advice ka na n camille.. hehe... sana un ang next session nyo.. heheh

Anonymous said...

@webslave: natatawa tuloy ako. cge cge..mag-iisip ako ng question para kay camille.

webslave mc'coolot said...

haha..ang galing.. yehey! may video na bago dito..aabangan ko yun ah.. Q&A with camille and chikletz.. hehehe... next time ako nman.. hahah

clarence said...

cool.
this sure is kilig to the bones.
hehehe

Anonymous said...

@clarence: super kilig moments. haha!

Unknown said...

hahahha si sisiw oh nagdadalaga sa kilig