kulang ang isang linggo para magbakasyon mula sa trabaho o sa paaralan. marahil dahil na din ito sa iba-ibang schedule ng barkada. hindi kami magkatugma-tugma sa mga libre naming araw. ganun pa man may mga makasaysayang pangyayari pa din na naganap habang bakasyon ako mula sa trabaho.
1. linggo - nakitambay kasama ang mga kaibigan galing Las Vegas at si Maja Salvador (naks!). kaarawan din ng aking kuya (damagan sa inuman, kantyawan, at pag-aambisyon na maging look-a-like ni heart evangelista, maja salvador, marian rivera, at yeng constantino).
2. lunes - nagpahinga buong araw at pumasok sa klase sa gabi. nanood din ng Heroes.
3. martes - gumising ng maaga at ginawa ang lesson plan project para sa Health class. simula pa lang ng semester ay ibinigay na ang assignment na 'yun. ginawa ko lang sa loob ng limang oras bago ang klase. pumasok sa klase at pagkatapos ay nakikain sa bahay ng kaibigan. sinundo ang ina mula sa trabaho nya.
4. miyerkules - inihatid ang ina sa trabaho sa umaga. nagbloga-bloga. pumasok sa klase sa gabi.
5. huwebes - nagbloga-bloga muli. sinundo ang ina mula sa trabaho sa gabi.
6. biyernes(good friday) - inihatid ang ina sa trabaho sa umaga. nagbloga-bloga. nanood ng sinakulo sa simabahan sa gabi. kumain kasama ang dalawang kaibigan pagkatapos.
7. sabado - eto nagbbloga na naman. hindi ko alam kung may mangyayaring may katuturan mamaya. sana naman.
hindi ba't sobrang makasaysayan ang mga pangyayari sa loob ng linggong ito sa buhay ng isang tulad ko..sa sobrang galak ko ay gusto kong magwala at sabihing..
mag-beach tayo!!! amboring!
7 comments:
and a massage on the beach too... sigh.
chiki sama ka? magda-drive ako hanggang batangas tapos magswiswiming dun sa beach. isasama ko girlfriend ko, ay boyfriend pala..
uy sarap naman.. sa batanggas ba? eh diba puro bato-bato beach dun? gusto ko sand..
haha!
dito sa Bahrain maraming sand as in buhangin gusto mo chikz?hehehe:p
haha! langya ka gel! natawa ko dun ah. gusto ko sand sa beach ndi sand sa desert!
honga noh gel, sand pala gusto eh. papuntahin sa Bahrain si chikletz.. para magsawa sa sand. haha
hanep nang week mu chikletz... haaayz... at talagang amboring!!! gusto ko nga mag swimming .. kakapagud mg work palagi.. hayzz.. kung rest day, walang ibang magawa, mg online at movie marathon nlng..
Post a Comment