"Presently came along a wolf, and knocked at the door, and said: 'Little pig, little pig, let me come in.'
To which the pig answered: 'No, no, by the hair of my chinny chin chin.'"
habang ako'y nasa loob ng silid aralan at nakaupo sa harap, ang mga bata ay nakaupo sa sahig, at binabasahan ko sila ng The Story of the Three Little Pigs, "tok, tok, tok" ang tumawag sa aming pansin. ang isa sa mga bata ay tumayo upang pagbuksan ng pinto ang bisita. nang mabuksan ito, liwanag ang aking nasilayan. nagkita kaming muli. ang mga mata namin ay nagkatagpuan para sa ikalawang pagkakataon. ngumiti sya sa akin at ang hawak kong libro ay muntik ko ng mabitawan dahil nawala ang pakiramdam sa katawan ko (manhid ba?). init lamang ng mukha ko ang nagpapa-alam sa akin na hindi panaginip ang mga nangyayari sa mga segundo na 'yon.
ang mga mata nyang nakakapag-kabog sa damdamin ko, ang mukha nyang parang anghel, ang nakakatunaw nyang ngiti..
biglang umiwas ako ng tingin sapagkat alam kong namumula na ang aking mukha at dahil doon ay baka malaman nya na may konting pagtingin ako sa kanya. tumayo ang guro at lumapit sa kanya. ang isa sa mga bata, na kanyang kapatid, ay lumapit din sa kanya at nakinig sa pag-uusap nila ng guro. natorete and isip ko at ang puso ko ay napagod sa sobrang bilis ng pagtibok. napatingin ako sa mga bata. nakatitig sila sa akin. un pala'y iniintay na nilang ipagpatuloy ko ang kwento. napahiya ako ng kaunti kaya ipinagpatuloy ko na ang kwento.
"'Then I'll puff, and I'll huff, and I'll blow your house in.'
So he huffed, and he puffed, and puffed, and he huffed, and at last he blew the house down, and he ate up the little pig."
habang tumutuldok ang pangungusap sa kwentong binabasa ko ay sumisilip ang mga mata ko sa kanya. nais masilayan palagi ang sobrang dreamy eyes nya. "hayyyy" lamang ang nasasabi ng utak ko. nang biglang pinapasok sya ng guro at pinaupo sa isang sulok sa likod ng silid. ito ay upang magmasid sa mga mangyayari at mapagtuunan ng pansin ang nakababata nyang kapatid (lagot!).
nataranta na naman ang isip ko at umiwas ng tingin. wala akong nagawa kundi ibaling muli ang atensyon ko sa mga bata at ituloy ang kwento. habang ginagawa ko ito pilit kong tinatanggal sa isipan ko na baka sya'y nakatingin sa akin at hindi sa kapatid nya. isang napakalaking pagsubok para sa akin iyon ngunit wala akong nagawa. hindi ko naiintindihan ang binabasa ko sa mga bata. basa lang ng basa sa mga salita. sa wakas ay dumating din sa pagtatapos ang storya.
"...so the little pig put on the cover again in an instant, boiled him up, and ate him for supper, and lived happily ever afterwards."
"Ok kids, go back to your desks." ang wika ko sa mga bata. tumayo sya at naglakad.
papalapit ng papalapit sa akin. pakiramdam ko noon ay sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito.
"Is he really that bad?" ang tanong nya sakin. tinutukoy nya ang nakababata nyang kapatid.
kinakabahan kong sinabi, "Yeah, he's very disruptive and moves around too much. He doesn't listen to me nor to the teacher. It's hard to continue with the lesson everytime we have to ask him to stop messin' around." sana'y hindi nya napansin na asiwa akong tumingin sa kanya. nahihiyang makipag eye-kontak.
napangiti sya, ngumisngis (natunaw ako!), at sinabing "He's not like that at home."
ang malas ko naman dahil nasira ang malalim naming pag-uusap sapagkat lumapit muli sa kanya ang guro at kinausap sya tungkol sa nakababata nyang kapatid. maya maya'y naglakad na sila papunta sa pinto at inihatid na sya ng guro papalabas ng silid. hindi na sya nagpaalam. hindi na sya lumingon. parang wala lang sa kanya lahat ang mga nangyari. wala akong pag-asa. gudlak!
nang makalabas sya ng pintuan..sa wakas ay nakahinga na muli ako ng maluwag. lumipas ang ilang linggo at nalaman ko na may ka live-in na pala sya. nyeh!
-ang pagtatapos-
13 comments:
is that your story based on experienced...coz its seems that it comes from the heart...well anyways, i like your story....fr:scofield_jr
yup personal experience nga. hehe. parang baliw noh.
hhahaha ang saklap naman ng ending chiks..malay mo magkakahiwalay din sila hahaha sama noh
Hey, Congrats!
nice story. kinilig ako habang binabasa. :)) sad lang ng ending.
@anjie: thanks. onga eh. ampanget. hehe. hanggang kras na lang ako. wahhh!
mas ok na rin un crush2x..kesa lubos ka masaktan... ganun din nman trip ko ngaun.. ang sarap ng feeling na feeling... haha. kahit minsan mas prefer mo na kau talaga... haayz.. basta be happy ka lang jan chikletz... darating din un..
@invisible: naks naman. parang malalim ang pinaghuhugutan ng feedback mo ah. hehe. onga eh ok na muna ang crush crush sa ngaun. salamat!
toinkx..ba't mo nman nasabi un chikletz.. hehe.. kaw naman ow.. shhhh..atin2x lang to ah.. hehe
@invisible: wala naman..feel ko lang ay malalim ang pinanggalingan ng message mo. hehe. wag ka mag-alala. atin-atin lang. haha! gawin bang chat ang feedback.
ahaha.. uu nga..kasi nman wala YM sa office.. T_T blocked na kasi.... di kapa natutulog? gabi na ah...
ahhh..takas blog ka! haha!antok na nga ako eh. pero maya maya pa siguro. wala naman pasok bukas.
oh cge bsta wag ka masyadong mgpagabi.. :) .. so panu off na me till 4pm lng duty ko now..
pero pupunta pa me sa haws ng friend ko.. thanks giving party sa bhay nila..
*hugs*
Post a Comment