Monday, May 11, 2009

Angels & Demons

hindi ako pumasok sa trabaho sapagkat kailangan kong mag-aral para sa mga exams ko sa mga susunod na araw. palapit na ng palapit ang pagtatapos. hindi na ako makapag-hintay. ginagamit na lamang ang pag-aadik sa blog para maubos ang oras. sana huwag akong tamarin mag-aral mamaya. lagot! ngaun nga lang ay wala akong maisip na ilagay dito.


nauuso sa mga ilang bloga ang mag-post ng coded entries dahil sa darating na bagong pelikulang Angels & Demons, na sequel ng The Da Vinci Code,
na parehong base sa libro ni Dan Brown. nais ko din sanang makiuso pero naisip ko din na baka may mga taong mabaliw sa kakaisip o kakasolb ng entry ko at ako pa ang maging dahilan nito. tsk tsk. tulad na lamang ng isang entry ni ka-blogang Gello na Crack the Code ay halos mabaliw ako (slight lang. haha!). pero nagpapasalamat din ako sa kanya dahil napilitan na naman akong gamitin ng todo-todo ang utak ko (yess naman!). salamat ka-bloga!

dahil nalalapit na ang pelikulang ito, ang librong ito ang ibinigay kong regalo sa aking ina noong nakaraang Araw ng mga Ina. at dahil mabait akong kapatid ay inilagay ko na din ang pangalan ng mga kapatid ko sa likod ng cover page (para kunwari naghati-hati kami dun). iniregalo ko din dati sa kanya ang unang librong The Da Vinci Code. hindi ko lang maalala kung sa kaarawan niya o sa Araw ng mga Ina ko ito ibinigay. ang importante ay natuwa sya sa libro. sana ay matapos nya agad ang pagbabasa ng librong ito para mabasa ko na din.

Angels & Demons. malapit na malapit na!

8 comments:

Hari ng sablay said...

alam ko istorya nian tungkol sa anghel saka demonyo,lols nanghuhula lang ako.

anu ung sagot dun sa code ni gello?muntik na kong mhospital dahil dun,ayaw niya sbihin sakin,dumugo kasi kukote ko.

Anonymous said...

@hari: sinagutan ko dun sa comment nya. kaso may nauna pala sakin. hindi ko napansin.

buti ndi ka na-ospital. LOL!

© Gello - kun` said...

AHAHA. nagturuan pala kayo. :))

hmm, magaling chiks at nagawa kong paganahin ng todo ang utak mo dahil sa aking tanong. hehe. :) galing galing.

salamat din sa pagbanggit ng aking pangalan sa comment. :)

webslave mc'coolot said...

chikletz!! gusto ko rin to..me novel ako nito. sabay tau manood ng angels and demons.. hehe

webslave mc'coolot said...

uu nga pala...sorry, kasi d ako ng paalam ng maayos... 4 days ako sa mnla dahil nga dun sa iblog5.. tapos, d me nkapag online.. ng enjoy2x muna me dun... hehe.. kakbitin nga eh..now am home again here sa cebu... dami kong backlogs.. salamat nga pala sa pg drop by mu sa blog ko..
>:D< *misshuuuu po**

Anonymous said...

@gello: hindi kami nagtulungan. ako lang tumulong sa kanya.. sya walang nai-offer na tulong sakin. haha! and you're welcome :)

@weblsave: saya naman. bakasyon! yeba! tara nood tau! sa friday na! weee!!

webslave mc'coolot said...

waaaaaaa..tara2x! ay teka, panu yan..waaaaaaaaa.. nood tau online..bwahahh


chikletz, ym ka sa akin d ko mahanap ung name mo sa list.waaaaaa..........sorry

© Gello - kun` said...

haha. oo nga naman pala. ung tungkol naman sa huling post ko tungkol sa litrato, mag mensahe ka lang sakin at tuturuan kita.