madalas dumarating talaga sa buhay natin na kahit pagsabihan tayo ng mga mas nakakatanda, o kahit mas nakakabata pa, ay talagang pasaway pa din tayo. kahit minsan na tayong nasaktan, nasawi, o kung anu pa man ang dumaan sa buhay natin na tayo ay para bang pinabayaan ng tadhana, hindi pa rin tayo natututo. siguro ay sadyang pursigido lang talaga ang mga tao. ayaw kumawala, patuloy ang pagtanggap sa sakit at kirot na nararamdaman. sila ung sinasabing mga taong masokista. pero malakas ang paniniwala ko na walang tao ang gustong nasasaktan ang sarili nila. minsan siguro wala lang talagang pagpipilian.
minsan naman may mga tao rin na mabilis makawala, pursigido din sila--kaya lang, pursigido na makatampo naman ng ginhawa at mawala na ang sakit. sila yung sinasabing mga tao na para bang wala lang sa kanila yung mga nangyari, at na parang hindi talaga apektado. dito yata ako sa kategoryang ito nalalagay. dahil hindi nila ako nakikitang umiyak o nasasaktan, inaakala na nila na wala lang sa akin ang lahat ng nangyari. marahil ay ayoko lang talagang patagalin ang hinanakit, o kung anu pa man ang mga negatibong bagay na makakasama sa akin. siguro din ay mas madali lang talaga para sa akin na pabilisin ang proseso ng paghilom.
kanya kanyang paraan na lang siguro kung paano gagawin ng tao para mahilom ang sugat nya. nasa personalidad, impluwensya, at paniniwala sa itaas, ang ilang bagay na maaaring makakapagsabi kung anu ang paraan ng isang tao para gumaling agad ang sugat nya. hindi ba't may mga ibang taong kahit may sakit ay hindi umiinom ng gamot. idadaan na lang sa pahinga at tulog. meron namang iba na hindi talaga hahayaang lumala ang sakit at pupunta agad sa doktor para kumuha ng reseta at bumili ng gamot. pero kagaya ng sabi ko kanina, yung iba siguro ay talagang walang pagpipilian tulad ng mga taong walang pambili ng gamot dahil sa hirap ng buhay.
ikaw? may choice ka ba?
13 comments:
waah.. tila aq din yung parang wala lang! haha :))
ako di ako mhilig manggamot ng sugat ko, hinahayaan ko na lang humilom.
waw, anlalim naman nun chikz.. :-S
@kox: apir tayo! haha!
@hari: pwede rin.. gagaling at gagaling din naman diba... sana.
@chennn: haha! mababaw lang yan. to naman o.. :P
magkasalungat tayo dito, ako ewan ko ba, matatandain ako sa mga nanakit saken, pisikal man o emosyonal...
@tonio: tulad ng kasabihang, "i forgive, but i don't forget." hehe.. ganun ba?
I dedicate this song to you chikletz:
"Sometimes in our lives we all have pain, we all have sorrow, but if we are wise, we know that there's always tomorrow.
Lean on me, when you're not strong, and I'll be your friend, I'll help you carry on. For it won't be long 'til I'm gonna need somebody to lean on"
from the bottom of my heart :D, alam ko we have something in common, so count me in. ok? and vice versa.. :)
*hugs* sana magaling kana....
@webslave: naks naman! talaga may song dedication ka pang nalalaman ah.. salamat!
Tama na siguro ang minsang pag iyak o pag isip sa kung ano man ung dinaramdam mo, wala ka naman nang mapapala kung itutuloy mo pa sakit na nararamdaman mo...hindi mo na rin maibabablik ung nakaraan para iwasan ung masamang pangyayari...dumaan na yun eh, palagpasin na lang natin...gawin aral sa susunod pang mga araw...
ahehe.. xempre... kaw pa..lakas mu sakin weh.. heheh
Ang sugat ay hindi maghihilom kung hindi mo haharapin ang bukas. Kumawala ka sa anino ng kahapon ikaw mismo ang gagamot sa sugat.
Sa pag ibig.. magmahal kang muli siya ang gagamot sa sakit ng nakaraan. god bless
sabi na nga ba eh, emotera kng bata ka. dapat sayo hindi pinapalapit sa anumang matutulis na bagay baka ano pa maisipan mong gawin. haha
@lord cm: wala na ngang magagawa kundi gawing aral na lang ang mga mapait na nakaraan.. hehe.
@webslave: lakas ba? san na ung vid? hehehe..
@jettro: tama ka dyan. wag na patagalin diba. kumawala ka na hanggang maaga pa bago masira ang future mo. hehe.
@anonymous: grabe ka naman! emotera na kung emotera. pero ndi ako suicidal noh! haha! (ikaw na naman ba si t?) kilala na agad eh noh. hehe.
Post a Comment