linggo, may 17 - noong huling beses akong magpost
- nagkasakit ng malubhang sipon, hatsing, kati ng lalamunan, pagluluha kahit walang kasamang lungkot o tuwa, at ubo ang mga umatake sa 'kin.
- nung gabi ay lumindol habang ginagawa ko ang proyekto para sa art class ko. kumaripas ako ng takbo sa may pintuan dahil ako po ay sobrang takot sa lindol. 4.7 magnitude ang lakas nito na tumagal ng 15 segundo. hantagalllll nun!!!
- may aftershock na 3.7 magnitude ang lindol ngunit hindi ko mawari kung bakit hindi ko ito nadama.
- pumasok ako sa trabaho kahit malubha ang sakit at masama ang pakiramdam.
- pumasok din sa klase sapagkat finals day at ipinasa sa guro ang proyekto, na muntik ng hindi matapos dulot ng lindol, sa guro.
- naging malaking usapan ang lindol sa araw na ito.
- pumasok muli kahit may konti pang sakit sa katawan.
- noong hapon ay pumasok muli sa paaralan dahil sa isa pang final exam na hindi ko pinag-aralan. health class kasi, common sense na lang ang ginamit ko. bahala na si batman.
- noong hapon pagkauwi ko galing sa paaralan, dumiretso ako sa banyo para umihi..nang biglang lumindol na naman! naudlot tuloy ang pag-ihi ko. sa pagkakataong ito 4.1 magnitude lamang at tumagal lamang ng dalawa o tatlong segundo (whew!) lumabas ako ng banyo at kinumpirma kung lindol nga un. oo daw. pinalipas ko muna ang kaba sa dibdib ko at maya maya'y umihi na ulit.
- noong gabi naman ay inatake ng mga spywares ang laptop ko. sinumpa ko silang lahat! halos mangiyak-ngiyak na ako. ngayon ay nasa kamay sya ng kaibigan ko at tinanggal na daw ang virus ngunit hindi nya naibalik pang muli ang mga files ko. wahhhh!! larawan, musika, bloga, araling pambahay.. hayyy.. goodbye! pero....!!! gagawin daw nyang pc/mac and laptop ko. yess! san ka pa?!
maya maya'y matatapos na ang botohan sa poll ko. may Guru Session na kasunod!
awa ng Diyos at buhay pa kaming lahat at walang malubhang nangyari upang masaktan ang kahit isa sa pamilya ko. salamat po!
4 comments:
hayz... that juz happened to meeh... nagka-virus ang laptop koh... madalas nagfre-freeze hanggang natuluyan nah.. na-fix koh naman... pero i had to reboot it... so nde koh na nasave ang mga documents don... puwede akong pumunta don sa mga geek-nerd na nag-aayos nang laptop pero mahal nang charge juz to save d' files... eh di hwag na lang... i don't think itz so worth it para sa prize nilah... nd actually 'la akong budget... lolz...
hayz kakatakot nga yang lindol... nde naman tlgah akoh tulad nang iba na sobrang nagpapanic... pero scary syah... hayz... buti okz ka lang...
at buti naman okz na pakiramdam moh... and yeah about usapang pamilya.. trust moh na lang si God... kapit lang sa Kanyah and for sure He will always take care all of u guyz... sige.. ingatz. Godbless! -di
bumuboto ako dun sa poll mo,ngayon pantay na 15-15 ang result.pro mas panig ako dun sa diskartehan na lang.
ingat na lang sa lindol pag nagkalindol ulit pumunta ka sa ilalim ng lamesa,ung ang sabi sakin nung bata... :)
@dhianz: salamat salamat :) at ayos an din ang laptop ko. pinaayos ko sa kaibigan ko. yay! ewan pero lagi akong sobrang natatakot pag lindol na ang pinag-uusapan. tsk.
@hari: salamat sa pag-boto. maya maya eh tatanggalin ko na. wala pa kasi sakin ang laptop ko. nakikigamit lang ng pc. hehe.
at oo dapat sa ilalim nga ng mesa kaso malau ako sa lamesa. pintuan ung pinaka malapit eh. haha!
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa.. sana at this point magaling kana chikletz.. *hugs*
lumindol pala uli after nun ng chat tau.. waaaaaaa.. naman... buti d tumagal...
naman, kahapon lang ung PC ko inaataki ng viruses.. huhuhuhu... i think, i need to reformat it.. waaaaaaaa.. bat ang dami ng ka virus na pc lately..waaaaaaaa
Post a Comment