Saturday, June 6, 2009

Bawat Matanda

anu nga ba ang tungkulin natin sa mga kabataan? bilang mas nakakatandang mamamayan, ito ay turuan sila kung paano mamuhay at umunlad sa tamang paraan. kung maaari ay pag-aralin para matutong mag-basa at magsulat at makisama sa iba't ibang klaseng tao habang nasa murang edad pa lang. dahil ang pagiging edukado ay hindi lang dahil sa nabasa mo ang sobrang kapal mong science book at nakakuha ka ng 100% sa test. ang pagiging edukado ay pagiging handa sa anumang tatahakin mo sa buhay.

maraming bata, hindi lang sa pilipinas, ang hindi nakakapag-aral, nakaka-kain, o nakaka-laro man lang. nakaka-guilty pag nakakakita ako ng batang yagit na ang suot-suot ay ang kaisa-isa nyang kayaman na basahan. ang mukha nya ay puro dungis, at ang katawan ay sobrang payat dulot ng malnutrisyon..lalapit sakin at mamamalimos. nakaka-guilty dahil ang tingin nya sakin ay isang taong walang problema sa buhay at maraming pera dahil malinis ang damit ko at kotse ang sasakyan ko. kung ikukumpara mo nga naman ako sa batang yagit na ito ay ganun na nga ang resulta.

nakakulong sya sa kawalan ng pag-asa sa mundong kinatatayuan nya. napaka-unfair diba? kung tutuusin dapat naglalaro s'ya, umaakyat ng puno, nasa-eskwelahan, o kaya naman ay nanonood ng tv. dahil bata sila, karapatan nilang mabuhay bilang bata, hindi bilang preso ng kahirapan. dahil dito ay nawawalan sila ng tiwala at pag-asa na maaari pang may tunguhan ang buhay nila. pakiramdam siguro nila ay itinakwil sila ng mga taong dapat ay nagmamahal at nag-aaruga sa kanila dahil pabigat sila, kahit wala naman silang ginagawang kasalanan.

kung tutulungan natin sila at tuturuan, mababago natin ang pananaw nila sa buhay. huwag tayong suwapang sa kaalaman natin, ipamahagi natin ito sa kanila dahil hindi natin alam na pwedeng may mas malaking bagay pa sila na maibabahagi sa buhay natin. diba't higit pa sa pasasalamat ang pagtulong sa kapwa mo dahil alam mong may nabigyan ka ng aral at pag-asang mabuhay ng masaya?

hindi man natin sila matutulungan sa paraan ng pag-donate ng barya barya natin, siguro ay marami pang puwedeng gawin. anu nga ba ang pwedeng gawin ng bawat matanda para makatulong sa bawat bata? ako mismo ay nag-iisip pa ng paraan...

"Ang bawat bata sa ating mundo
Ay may pangalan may karapatan
Tumatanda ngunit bata parin
Ang bawat tao sa ating mundo

Hayaan mo’ng maglaro ang bata sa araw
At pag-umulan nama’y magtatampisaw
Mahirap man o may kaya, maputi, kayumanggi
At kahit ano ma’ng uri ka pa
Sa’yo mundo pag bata ka"


-Apo Hiking Society

11 comments:

Anonymous said...

haha.. first!

IBOTO SI CHIKLETZ BILANG ATE NG MGA BATA!

haha.. gusto ko yang kantang yan.

Pirate Keko said...

tama...
bihira ang taong mag iisip para sa iba lalo na sa mga bata...
^^ tuloy mo lang po ang pagsulat

J.D. Lim said...

Ang pinakamaliit na maitutulong ng mga matatanda sa aming mga bata ay ang simpleng pagsagot sa aming mga tanong. Iyun bang diretsong sagot sa diretsong tanong gaya nung pangkaraniwnag tanong ng mga bata na san ako nanggaling, panu ako nabuo etc. :)

Hermogenes said...

para saken at sa lahat ng mga may balak mag-anak ng marami, magisip-isip muna tayo kung kaya ba talaga natin, baka naman mahulog lang ng anak natin sa sitwasyong inilarawan ni chikltez.

nice post chikletz.. happy blogging!

Anonymous said...

@kox: haha! salamat sa motion. sana manalo ako. LOL!

@si keko: salamat sayo. daan ka ulit ah..

@JD: haha! pano ba nabuo? onga naman para alam ng mga bata kung san sila nanggaling at maintindihan nila ang cycle ng life. hehe..

@tonio: onga diba.. hindi ung anak ng anak tas wala palang pangkain sa mga anak. kaya nagiging kawawa. tsk.

hari ng sablay said...

ayos!magaling!clap clap clap!teacher na teacher ang dating, naks!

ako mismo ay magtuturo ng mgandang asal sa kanila at kabutihan,seryoso ako.

Anonymous said...

@hari: aba aba...talagang seryoso ka ah. hehe. sige hanap ka ng bata dyan sa harap ng bahay nyo at turuan mo ng magandang asal. naks!

Dhianz said...

hayz... iba tlgah ang saya kapag nakatulong tayo sa kapwa.. minsan kung iisipin naten nagpapakalunod tayo sa sarili nateng problema.. problema na sisiw lang compared sa iba... why not use those time para maka-make a difference sa iba... alam moh bah nde akoh makapag-isip nang ayos ang yellow nang page moh eh.. heheh... ang kulay... napapatitig akoh sa kulay.. wehhe... hmmm... san na bah akoh... oh parang 'ung sabi nilah.. when 'ur down lift up others... malilimutan moh kung ano prinoproblema moh at nakatulong ka pa sa kapwa moh... isang kaibigan koh... pangarap nyang magtayo nang sariling foundation para sa mga batah... sabi koh nga sponsor na lang akoh.. sana nga awa ni God makatulong den akoh laterz sa kanila... minsan selfish kc akoh... so focused w/ my own problems... pero ang dmeng blessings na sana shina-share na lang sa mga less fortunate... i guess may reason den why sometimes we are so blessed... so God can use us to blessed others... so 'un.. ingatz lagi Ms. Chikletz.. salamat plah sa pagdalaw dalaw sa bahay koh... Godbless! - di

Anonymous said...

@dhianz: oo ginagawa nya tayong instrumento para makatulong sa ibang tao. minsan lang talaga nawawala sa isip natin yun at ginagawa nating pang sarili ang lahat ng binibigay nya..

ingat ka din lagi :D at walang anuman.. dahil lam kong dumadalaw dalaw ka din dito :)

The Lady in Green Ruffles said...

sang-ayon ako, kaya naiinis ako sa mga nagsasabing ang may pinag-aralan lamang ang marunong makisalamuha..

Anonymous said...

@the lady in green ruffles: tumpak! dahil hindi lahat ng nakatapos sa prominenteng kolehiyo ay marunong makisalamuha sa lahat ng tao, makisama sa iba, at mabuting mamamayan. hindi rin lahat ng mahihirap ay ganun. dahil ang mga ito ay hindi itinuturo sa mga libro. natututunan ito sa kapwa tao.