Wednesday, June 10, 2009

Piliin Ang Naiba

eto na.. dahil nai-tag ako ni paps saka homer at wala din akong topic na maisulat sa ngayon ay gagawin ko na 'tong tag 10 kung anu-anu. alin ang isa sa sampo na walang katotohanan? kung mahulaan n'yo man.. hmm pag-iisipan ko pa kung anu ang gantimpala. haha!

1. favorite food ko ay adobong sitaw na gawa ng kapit bahay namin na si ka benny. talagang nirerequest ko pa sa kanya ito tuwing hinahanap hanap ko ang lasa. mabubuhay ako sa adobong sitaw.

2. noong ako'y musmos pa lamang ay nag-alaga ako ng isang sisiw. dahil wala pa akong alam tungkol sa pag-aalaga ng ganitong klaseng hayop ay pinakain ko lang ng pinakain ng bigas. makalipas ang isang oras pinakawalan ko na kasi tinutuka nya na ako.

3. noong 5 years old ako binalak akong isali ng lola ko sa little miss philippines dahil tuwing sinasama nya ako sa baclaran sa puwesto nyang tindahan doon ay parati nya akong pinape-perform ng kanta o sayaw upang matuwa ang mga dumadaan na tao at makabenta kami. wag nyo ng itanong kung nakakarami kami ng benta..

4. nagtrabaho ako dati sa SUBWAY (ung sandwich place) at dito ako naging expert sa sandwich-making. nagkaroon ako ng mga suking customers na talaga namang ako pa ang nirerequest nila upang gawin ang sandwich nila.

5. nawala ako sa palengke noong 9 years old ako. takot na takot at iyak ng iyak. alam ko ang papunta sa sakayan ng jeep at dun ako nagpunta upang hanapin ang lola ko. whew! buti na lang nahanap ko. matalinong bata.

6. mahilig akong kumanta habang naliligo para alam nilang buhay ako sa banyo. madalas ay love songs at rnb ang kinakanta ko. minsan naman ay rakenrol. dahil dito madalas akong nale-late sa trabaho kasi napapatagal ako sa banyo. nakekerid-away sa pagkanta.

7. namatay ang pusa naming si muning noong bata pa ako. dahil ikinalungkot ko ito ng malubha, naghukay ako sa likod bahay namin katabi ng puno ng manga at inilibing si muning doon. nilagyan ko pa talaga ng puntod at nakasulat ang "MUNING". noo'y natatakot pa ako dahil baka multohin nya ako. buti naman ndi.

8. hindi ako marunong magluto. marunong lang akong kumain. lagi akong pinagsasabihan ng nanay ko na magugutom daw ang asawa ko sakin. sa isip isip ko naman. bakit sya magugutom? hindi ba sya magttrabaho?!! haha!

9. noon ay naka-duet ko na si regine velasquez sa isang concert nya. ang kinanta namin ay "say a lil prayer for you". ang problema nun hindi ko kabisado yung kanta, pero naisalba naman nya. pagkatapos ng concert ay kinabisado ko na yung kanta. ngaun hindi ko na ulit alam.

10. gusto kong mag sponsor ng bata upang mapag-aral sya. kaya nga lang ay wala rin akong pera sa ngaun. gusto nyo ba akong isponsor? hehe. donations are welcome. haha! jk!


ok ok gudlak sa mga magtatangkang hulaan ang isang kasinungalingan na nakasulat sa itaas. tulad ng sabi ko, pag-iisipan ko pa kung anung dapat kong i-award sa mananalo. weee!!

bahala na si batman.
isipin mo na lang ham yan.

30 comments:

HOMER said...

medyo nahihirapan ako... hmmm...

pinagpipilian ko ang SISIW at ang PUSA.. kasi medyo conradicting kasi diba parang ayaw nila sa isat isa diba? haha

PERO dun ako sa SUBWAY haha!! NUMBER 4!! :)

Deth said...

parating may celebrity kasama, ahahaha...
pareho kayo ni homer kaya ang hula ko number 9...

PABLONG PABLING said...

eliminate na natin ang 4 mukhang may nabasa ako dito dati nun eh.... hmmmm...

weweyt...

sisiw. . . chicklets..chick sisiw malamang tama ito.

muning...letz muning letz di connect pero mukhang totoo din ginagawa ko din maglibing nghayup eh.

weweyt...

kung kumakanta ka sa banyo....malamang naka duet mo na talaga si regine. . . hmmmm pwede pwede kung nakasali ka na sa mga patimpalak sa telebisyon na si regine ay host

pinapakanta ka ng lola mo sa tindahan nila dito nagsimula ang lakas ng loob mo sa pagkanta (haha) kaya mukhang tama

okay okay dahil sa madami na akong na connect at na eliminate. . .

adobong sitaw at di ka na lang marunong mag luto....

. . . okay okay

ang pipiliin ko ay...

number 8. Magaling ka magluto at swerte ang mapapangasawa mo sabi ng nanay mo. YEY!!!!

2ngaw said...

Ako naman!!!Aaahhhh....Ahhhhh, Numbeerrr...aahhhh Siret na nga!!! lolzzz

No. 9 ang mali, kasi nung concert ni regine ako ang ka duet nya nung kinanta nya yun at hindi ikaw hehehe

Hari ng sablay said...

#4

tam ako diba?yahoo...haha ang galing ko talga nice nice, asan na yung price?

J.D. Lim said...

Puwede ka po magsponsor ng bata sa World Vision. :D 450 pesos a month lang ata xa. Tingnan mo na lang po ung site nila dito: http://www.worldvision.org.ph/

Kapag kumita na ako ng 450 pesos isang buwan, magiisponsor ako dun. :)

Dhianz said...

hmmm... parang ala Pablong Pabling den lang siguro toh... 'ung mga akala moh na nde totoo eh totoo then ang mga sounds totoo eh isa don agn nde too... gusto koh sana makihiritz sa mga sinulat moh kaso kelangan koh pa alam alamin dyan kung alin ang fake... sino ang 2nd rate tryin' hard copy cat.. ahehe... teka... hmmm.... hmmm... teka... natawa palah akoh sa number eight moh... nd hmm... feeling koh binaliktad moh eh... kc u work in a subway.. magaling kah sa paggawa nang sandwich.. nd hmm... u sound like u kinda like food... tapos sisiw and dog together.. animal lover kah... tapos little miss phil., singing, regine parang all connected... pretty smart kah so yeah reason nahanap kah nung nawala kah... and related sa last post moh i think i know na gusto moh makatulong sa mga batang nangangailangan... so hmmmzz... i go for otso otso.. i think 'ur a good cook... and for sure suwerte kung sino man 'ung lalaking mapapangasawa moh... hehe... pero in fairness natawa tlgah akoh sa pagkasabi moh don... yan.. nag-analyze pa akoh ha.. lolz... hmmm... excited akong malaman ang result... wehe... eniweiz that's my wild guess lang... ingatz. Godbless! -di

extra said...

anu ba yan.. hanggang dito eh dami mong nagogoyo.. hindi nila alam na puro delivery/microwave food/pangat kakainin ng magiging anak mo. hahaha jks

chennn said...

number three :)
hindi ako marunong magexplain, basta sa tres ako. hahaha. todo!

Anonymous said...

@homer: nahirapan din ako sau eh..

@deth: nilalapitan kami parati ng mga celebrities ni homer. nyahahahaha! jk!

@pablong pabling: ayos ang paga-analyze mo ah.. konek the dots ba? LOL!

@lord cm: haha! ayos! dami naman nakaduet ni regine.

@hari: pareho kau ni homer ng hula.. #4 daw.. hmm...

Anonymous said...

@JD: uy salamat sa information? panu kung yan ung kasinungalinga? haha! jk! seryoso...salamat sa info :D

@dhianz: haha! grabe ang pag analyze mo dito sis! di ko nakeri! pero ayos ayos..konektado lahat.. konek the dots.

@extra: nyahaha! nagoyo nga ba? di pa naman nila alam ang kasinungalingan eh.

@chennn: haha! ayaw mong maniwala dun? fine.. LOL!

Anonymous said...

@lenz and ching: nako hindi ko alam kung bakit di kayo makapasok... sori...

@lenz: dami pala dito na naka-duet na si regine. haha!

PABLONG PABLING said...

hanggang kailan ba ito?

para makapag palit pa ng boto hahaha

pero sure na sure na kow.

ROM CALPITO said...

Pasali din..
Don nalang ako sa number 8
Hindi ako naniniwalang hindi ka marunong magluto chikletz.

RED said...

pikit mata ito,,, 4!

Cayy Cayy said...

fourrrrrrrrrrrrr [[: ;hide;

Anonymous said...

@pablo: bukas 6/12/09 dito malalaman ang kasinungalingan ko.

@jettro: haha! ginawa nyo talaga kong chef.. wee!

@stupe: nako pag tama ka ganda ng award mo.. nakatakip mata ka pa eh! san ka pa?!

@cayy cayy: 4 din? hmmm.. sikat ang 4 at 8.. cge malalaman natin bukas. salamat sa pagbisita dito :D

Cayy Cayy said...

Actualy guso ko 9, kaso baka banatan mo ko teh [[:
[baket po 8 ang guess nyo saken? -_- ]

Algene said...

number 9. tama ba ako? :D

Zha said...

Visiting you today...Nice site you have, please visit my site for a total pinoyshowbiss and celebrity gossips click here

Anonymous said...

@cayy: haha! bakit naman kita babanatan? :P

@algene: number 9? malalaman natin bukas :D

krisleaviray said...

number 3 po..kasi walang nanghula sa number hahahaha

admin said...

ako ang sagot ko ay number 4 subway...kasi naman di ba di ka nga marunong magluto..heller sandwich pa kaya magawa mo..and bakit sino ka para irequest exclusively na magprepepare ng sandwich ng isang customer eh ang dami dami nyo nama nagttrabaho dun...


yeheyy panalo na ko premyo ko???bilis exited na ko sa price ko

© Gello - kun` said...

sisiw thingy ang hula ko. :)

chennn said...

awts mali ung three?? yayks hahaha
sure lose na ba 'ko :|

Webslave Mc'Coolot said...

chikletz! ahaha.... huhula na ako... teka babasahin ko muna.. haha... kaya to hehehe.

w3bslave said...

chikletz eto na hula ko.....

9. noon ay naka-duet ko na si regine velasquez sa isang concert nya. ang kinanta namin ay "say a lil prayer for you". ang problema nun hindi ko kabisado yung kanta, pero naisalba naman nya. pagkatapos ng concert ay kinabisado ko na yung kanta. ngaun hindi ko na ulit alam.

wala ka atang nabanggit sakin weh? waaaaaa.. not so sure with my answer, pero parang yan lang ang naiiba sa lahat as far as i know you.. hehe..

Anonymous said...

@krislea: haha! para kung tama ka man ikaw lang mananalo.. LOL!

@crisiboy: eh sa subway kaya luto na mga pagkain ilalagay mo lang sa tinapay kaya malay mo totoo yan.. hahaha!

@gello: tingnan natin kung tama ka..

@chennn: di pa huli ang lahat.. mamaya huli na. LOL!


@jorich: aba malay mo :P

joy said...

hula ko number 6. tama ba ko? yes!! akin ang award! wee!

huli na ba ang lahat?

akin na lang ung award! ahaha

Anonymous said...

@joy: haha! wag ka madaya :P