bago ang lahat, nais kong sabihin na nirerespeto ko ang mga binitiwang salita ni Mike Avenue dahil itinuro sa akin ng mga magulang ko na respetuhin ang mga kapwa ko. at tutal bloga nya ang sinulatan nya ng opinyon nya.. eto naman ang opinyon ko..
tatlong gulang ako noon nang kinailangan akong kupkupin ng lola ko dahil ang mga magulang ko ay kailangang lumikas papuntang amerika para makahanap ng mas magandang takbo ng buhay. dekada 80 pa lang noon. ngayon ay nasa taong 2009 na tayo. lagpas ang 20 taon na ang lumipas at wala pa din akong nakitang gaanong kaunlaran sa pilipinas kung ekonomiya ang pag-uusapan.
"Ikakatwiran na walang pag-asa dito. Mahirap ang buhay dito. O talagang mahilig lang ang iba sa “piso tamang barko”. Meron din naman dito. Kaya lang, ang mga bagay na narito, ayaw naman natin. Para lang din sinabing “walang akong magawa”. Marami ka naman pwedeng gawin. Kaya lang, itong mga bagay na available na gagawin mo, ayaw mong gawin, tinatamad kang gawin o may iba kang gustong gawin."
kung hindi nagtiis at nagsumikap ang mga magulang ko ay hindi rin uunlad ang buhay namin at ang buhay ko. hindi ko makakamit ang mga gusto ko sa buhay. lilinawin ko na hindi sila tamad (dahil kung tamad sila ay mas walang mangyayari sa buhay namin) at may sari-sarili silang trabaho bago sila umalis ng pilipinas. hindi rin nila ginustong iwan ang pamilya nila pero kailangan para makakain ako, makapag-aral ako, mabuhay ako, maging mabuting mamamayan, at matutunan na ang buhay ay patuloy na laban. maaari ngang marami silang pwedeng gawin, pero limitado sapagkat ang gobyerno ay hindi nagbibigay ng sapat na suporta. hindi ba't marami din silang dahilan? gusto ba ng marami sa atin na mawalan ng tirahan, trabaho, pagkain, pag-aaral? anu ang dahilan ng gobyerno dito? na matigas ang ulo ng mga mamamayan nila? kung ganun, habang buhay na lang magsisisihan ang gobyerno at ang mamamayan.
"Isa lang dahilan kung bakit nagpapaalipin sa ibang lahi ang mga Pinoy. PERA. Masasabi kong iyan ang nag-iisang dahilan. Kaya nga mas gusto pang gawing panginoon ang mga dayuhan para sa salapi. Hindi dahil sa kung ano pa man at sino pa man. Ang ibang dahilang maiisip mo, bagamat nasa estado ng pagsasakripisyo at pagpapakahirap, babagsak at babagsak din sa kategoryang pera ang dahilan."
nais kong itanong sa'yo kung nadadaan mo pa sa pagaalay ng tinapay si manong driver upang maihatid ka nya sa trabaho mo. o kung pwede mong abutan na lang ng ulam ang may-ari ng gasolinahan para bigyan ka nya ng karga na kulang kulang 100 pesos per gallon (salamat anj. hehe.) o kung tatanggap ka rin ng anim na pirasong pandesal kada buwan mula sa amo mo kabayaran ng trabaho na ginagawa mo para sa kanya. bakit nga ba nagttrabaho ang mga tao kung hindi para sa perang susuwelduhin niya at ipambibili ng pagkain upang mabuhay--hindi lang sya pero pati na rin ang mahal niya sa buhay. lilinawin ko din na hindi tinrato ng mga magulang kong panginoon ang mga dayuhan at ang salapi, dahil isa lang ang Panginoon natin, at dun nila nakuha ang lakas ng loob at patuloy na paniniwala na may pag-asa pa din, at ng sana'y hindi sila husgahan ng ibang tao at isiping pang-sariling kasiyahan ang hinangad nila. lalo ang mga naiwan nilang mga anak at magulang.
"Hindi sila magpapaalipin sa ibang lahi dahil sa Pilipinas. Tinanggihan nga nila ang Pilipinas. Nawalan sila ng pag-asa sa Pilipinas. (At nakakapagtaka, ang bansang iniwan nila sa ere noon ay ang bansa ring tumatawag sa kanila na mga bagong bayani ngayon.) Ang dahilan ng pagtatrabaho ng isang OFW ay upang maiangat ang kabuhayan ng pamilya at sarili. Hindi dahil gustong maiambag ang sakripisyo sa bansa. Hindi upang magpakabayani. Walang ganoon. Dahil kung ganoon, pwede namang makatulong nang hindi umaalis. Ang totoo, lahat ay sa sariling motibo lamang nabubuhay. Gustong-gusto kasing maging Victoria’s Secret ang ginagamit na pabango ng asawa na dati’y White Flower lamang."
iniwan nga ba nila sa ere ang bansa nila, o ang bansa nila ang nagpabaya at iniwan sila sa ere. iwan ka man ng bansa mo sa ere, hindi ba't maghahanap ka ng ibang lugar kung saan mabibigyan mo ng wastong buhay ang pamilya mo (at hindi ibig sabihin nito ay gumamit ng Victoria's Secret na lotion, o magsuot ng Hollister na tatak ng damit, o kung anu anu pang brand names)? tama rin na bawat tao ay may sariling motibo, hindi lahat ay brand names. ang iba ay makatapos ng pag-aaral ang kanilang anak. ang iba naman ay tulungan ang mga magulang. at ang iba naman ay makahinga ng maayos. kung ang motibo ng iba ay tumambay sa kanto para mag-yosi at uminom ng alak na dinagdag na lang ulit sa utang nila, motibo nila yun. kung ang iba naman ay umasa na lang sa perang dadating galing sa kamag-anak na OFW (dahil hindi talaga kasya ang 300 pesos minimum wage per day), motibo nila yun. kung ang iba naman ay nagpa-akit sa masamang bisyo habang nagttrabaho ang inang OFW, motibo nila yun.
ilang OFW ang kilala ko na nagsikap at napaginhawa ang mga mahal nila sa buhay. hindi lang yun ang ginawa nila, nakapag-patayo pa din sila ng negosyo sa pilipinas na nakapag-bigay tulong sa ekonomiya ng bansa at nakapag-bigay trabaho sa ilang taong nangangailangan.
siguro ay mas nirerespeto ko lang ang motibo ng mga magulang ko na mapag-aral ako at mabuhay na may respeto sa kanila at sa mga taong nakapaligid sa akin. at ganun na din para sa mga kapatid ko dahil hindi lang ako ang binuhay nila.
lilinawin ko din na hindi lahat ng mga OFWs ay katulad ng mga magulang ko noong pinagdaanan nila yun. ang iba siguro ay makasarili din.
eto po ang pahayag ni Mike Avenue: Tsokolate
kung hindi nyo makita dahil invited readers lang ang welcome, ay eto po ang alternate link: Tsokolate
pasensya kung napahaba.. apektado lang talaga. salamat sa nagtyagang magbasa..
22 comments:
Chikletz, kelangan kong i-link ang entry mo sa pahina ko, wag ka na kumontra at sobrang napakaganda ng pagkakapaliwanag mo, hehehe,...isa pa hindi mismong OFW ang gumawa, kundi anak na naiwan ng mga magulang upang mabigyan ng kinabukasan..
Pero kung di pwede, tatanggalin ko agad, kasi baka habang binabasa mo comment ko na ilink na kita sa entry ko eh :D ... thanks :)
@Lord CM: walang problema :D salamat sa paglink kaibigan. ambilis mo magcomment. kakapost ko lang eh. haha! wala pa atang 1 minute. hehe.
very well said chikletz...
Hehehe :D sabi nga ng iba, dito ako sa bloggywood nakatira lolzz
@deth: salamat po sa comment :D
@lord cm: mag-intay ka minsan at least 5 minutes. para hindi masyadong halata. hahaha! jk! :P kaw ba gumawa nung manifesto?
Hehehe :D Hindi ako, mayroon isang concern na OFW ang gumawa para ipost ng mga OFW Bloggers...parang tag lang dba? lolzzz makikita mo sa blogroll ko ung ibang blogger na nagpost din ng the same manifesto...
Saka di ako nag eenglish sa blog ko ah :D
Naunawaan ko mga pinhayag mo chikletz, ofw din ako bgamat hindi ko pa nababasa yung kbila mag comment nko dito. Tama yung mga pinhayag mo, lahat tayo naghhangad na umasenso sa buhay dahil wla nman tyong nkikitang pag asa s bayan ntin sa iba tayo sumubok. Para sa akin kung tlagang may nkikita akong pag asa sa pinas bakit pa ako lalayo sa mga mahal ko sa buhay di ba? Ang sarap mamuhay sa pinas kung may pera. Sino ba gustong mawalay sa pamilya di ba? Lahat tayo alang-alang sa pamilya mabigyan ng kaligayahan lahat gagawin kahit kapalit nito ay ang pangungulilat paghihirap mabigyan lang ng mgandang kinabukasan ang mga anak. thanks
Pinasok ko yang binigay mong alternative link chikletz isa lang masasabi ko sa taong nag salita ng ganon. ingit ang umiiral sa ofw. yan ang taong makitid ang pag iisip.
@jettro: kanya-kanyang prinsipyo lang yan. iba ang prinsipyo nya iba ang prinsipyo ko. dahil na din ito sa iba't ibang naging karanasan ng mga tao. iba ang naging karanasan ko sa kung anu man ang naging kanya, o naging sau. hindi naman siguro makitid ang utak nya. siguro ay hindi lang nya maintindihan ang pinanggagalingan ng prinsipyo ng mga OFWs tulad na din ng hindi nating pagkakaintindi kung san nya nakukuha ang mga prinsipyo nya.
very chikletz... yan ang blogera, saludo ako sa gaya mo na lumalaban ng nakaharap, meron akong mga nabasang nagkumento dun sa "tsokolate" na nagtatago.
keep safe po!
salamat chikletz sa napakagandang pagsalaysay!
cheers!
haha. teka, di ko pinagtatawanan ang post na to ah. alam ko nararamdaman mo. ang lakas mo talaga oh, bilib ako sayo!
invited reader ba ako. nakabasa ako dun eh. hehehe
kanya kanya nga lang ng opinyon yan diba. magkakaiba ang tao, magkakaiba ang isip. may iba puso't isip ang ginagamit sa pagpost, ang iba naman puro isip lang. bakit? kasi matalino eh. at diko kaya humarap sa matatalino kasi konting matalino lang ako. haha! dami ko sinasabi ah. hehe. ikaw na lang humarap pede? :P
uy.. hinay hinay lang dear. pero pag alam mong tama at may katwiran ka at pinaglalaban mo prinsipyo mo. go! suportado kita, pramis. kasi kung mali naman, pag-iisipan ko pa kung susuportahan kita. ayaw natin ng hater diba kasi hater din tau. ahaha..
tama nga naman, isa lang Diyos natin.
P.S.
kilala ko ung sinasabi mo, kasi hinihingi nun dati fs ko. eh wala na kong fs diba. haha
@tonio: salamat sa pagpansin sa entry ko. hehe. isinalaysay ko lang din naman ang sarili kong opinyon sa issue na 'to :) salamat ulit.
@desert aquaforce: walang anuman.. salamat din!
@joyjoy: nabuhay ka! haha! wag kang mag-alala, di naman ako padalos-dalos. hinay hinay lang o.. hater ba tau? LOL! sira.. adik ung kilala natin.
... itz funy how sometimes we are all reading a same article but all have different opinions about it... or sometimes we are lookin' at one exact same thing but being viewed as exact opposite of it... ang labo bah... eniweiz... wala lang... as i read d' article... iba ren ang naging opinyon koh... but nde koh na sasabihin 'cuz ayokong ang opinyon koh eh makasakit pah... but both sides have point... hayz... yon na lang... baka ano pa masabi koh... ingatz ms. chikletz. Godbless! -di
astig mo chickz! ^__^
wala akong masasabing opinyon sa isyu na 'to dahil (mapalad akong) hindi ofw ang mga magulang ko..
heka, matanong lang, tapos knb sa kurso mo?? para kasing nung mga nakaraang post mo e sabi mo magtatapos kna.. (o nililinlang na naman ako ng kakarag karag kong memorya) WALA LANG! hahaha! apir!
@dhianz: tama na nga siguro ang manahimik kesa makasakit. pero minsan mas tama din na ipaglaban ang nararamdaman. basta nasa tamang pamamaraan. o diba.. hehe. ganun talaga.. iba iba ang pananaw kaya naging makulay ang mundo :D
@chennn: nako po.. hindi pa ako tapos haha! malapit lapit na din. magulo kasi akong tao eh. apir! kung ikaw ay taga bulacan nga.. mas apir! yay!
bakit?? taga bulacan ba family mo?? malamang hindi ko sila kilala! hahaha apir :)
nice! ang ganda.. :)
woh really?? dun kaya ako ipinanganak! hahaha biruin mo nga naman ;) taga dun kasi mommy ko, tas dito kami natira sa bayan ng daddy ko, pero bulacan pa rin ^_^ astig talaga! hahaha! super apir! :D
ang kitid nman ng utak nya!
wag nman nyang lahatin ang tao!
may auntie din akong nasa US..hndi sya pumunta doon pra masunod ang anumang luho dahil wla sya nun! tiniis nga nya lahat ng hirap at pangungulila pra masuportahan ang lahat ng may kelangan sa pamilya..nakalimutan na nga nyang mag-asawa! tuwing pasko at iba pang espesyal na okasyon hanggang webcam nlang syang nanood sa amin sabay iyak..masasabi mo bang pra sa sarili nya yun?
kitid tlaga ng utak mo! kakagigil!
ito lng ang masasabi ko sayo:
"TO GENERALIZE IS TO BE AN IDIOT!!!"
Napaisip ako sa sinabi ni Mike Avenue at sa naging tugon mo sa kanya.
Pera,prinsipyo,praktikalidad at pagiging makabayan.
Hindi maaaring paghaluin.
Gagawa ako ng sarili kong tugon sa aking blog.
@kox: salamat :)
@jelai: relax ka lang. hehe..
@JD: sige..aabangan ko yan.
Post a Comment