Monday, June 1, 2009

Maniwala Ka Sa Sabi Ni Lola

dahil wala na naman akong maisulat dito, munting kanta na lang muli ang iaalay ko para sa inyo. so here's one for your ears. hope you like it. please don't mind the voice (parang tumutula lang). haha!



by chikletz:
ang sabi ni lola humanap na ko ng iba
ngunit sa puso't isip ika'y nag-iisa
mahirap mang limutin pilit kong kakayanin
itutuloy ko ang lakbay sa magiging bagong buhay

tila nga kahapon lang tayo'y nagmamahalan
hawak mo ang aking kamay, pag-ibig mo ay tunay
ngunit bakit ngayon ay bigla na lang lumisan
iniwan mo ang puso ko wala man lang paalam

chorus:
buhay nga naman sadyang ganyan ako'y nahihirapan
sa pag-ibig na ito, ako lagi ang nasasaktan
sana maniwala ka sa tunay kong nadarama
damdamin ko sa'yo ay hinding hindi magwawakas

kulang pa ba'ng pag-ibig na sayo'y aking inalay
humanap ka na ng iba't minahal mo sya ng tunay
mga bitui'y nagnining-ning noong ikaw pa ang kapiling
ang buhay kong makulay, ngao'y tila walang saysay

refrain:
hindi na kakayanin pa, o bumalik ka na aking sinta
dito sa piling ko, ako'y nag-iisa, o nasan ka

ngayon ay ang paalam sa 'ting mga nakaraan
aalisin sa isip dating pinagsamahan
ngunit ang alaala mo'y laging kasa-kasama ko
hinding hindi mawawala ang tibok ng aking puso



******************************

para sa akin napaka-gulo ng kantang 'to kasi parang paulit-ulit na ewan. wala na kasi akong masabi. haha! tagal na nito. siguro lima o anim na taon na ang nakalipas noong sinulat ko 'to. wala lang.. opinyon lang naman.

12 comments:

webslave mc'coolot said...

(hugs) ang galing weh.. yays! mukhang alam ko kng para kay sino tong kantang to wah.... hmmp.. un ba un? heheh.... newies, galing mo pala kumanta weh.. waaaaaaaah am loving it.. promise......

0 said...

Nice! May future. :)

Hermogenes said...

wow naman,

kitchie nadal ikaw ba yan? ahehehe

chiklet kaw rin ba gumitara nyan?

Hari ng sablay said...

wow naman... talented ka talaga magaling ka ng sumayaw (maja) magaling kapa kumanta.

parang si aiza seguerra lang ah..

kelan marerelease yang album mo?galing galing. gawa kapa.pknggan namin.

Anonymous said...

@webslave: anung issue yang ginagawa mo? haha! anyway, salamat :)

@robnuguid14: future? haha! nalipasan na ko ng panahon... hehe.

@tonio: uy salamat! wag mo naman insultuhin si kitchie nadal. haha! hehe.. opo, ako din gumitara :)

@hari: haha! magaling talaga akong sumayaw (maja). pero pagkanta? aiza? lalake un eh. sige sige, ako na lang ung girl version. LOL!

Goryo said...

chikletz nabuhusan ata ng tone-toneladang alak ang chewing gum mo.. bat nagkaganun yung kanta.. daig pa ang hu-mit-hit ng katol? lolz..

webslave mc'coolot said...

chikletz, weh sa anu ung sinabi mu skin dati.. i think ung related sa sugat? wehehehe.. joke lang.. haha.. wala lang.. welcomes ^_^

chennn said...

ayos ah! astig mo chikz! :)
sa susunod vid naman, kasali si guru camille ska c guru edward, hmm, kunwari ngssway-sway cla sa likod mo habang kumakanta ka, hahaha!

panalo! more! ^____________^

chennn said...

ayyeh naman, may badge na rin sya ng pinoy cute bloggers, wahaha! apir :)

Anonymous said...

@goryo: haha! ampanget noh..wala lang. pagkabored kasi eh.

@webslave: issue ah.. :P

@chennn: haha! gumawa ba ng music video na parang ewan? LOL! ansaya nun!

@chennn ulit: wala lang. para astig. hehe.

Anonymous said...

wwowww.....napawoww na lang ako, galing :)

Anonymous said...

@niqabi: haha! salamat salamat :D