natuwa ang dalawang dalaga sapagkat ligtas na sila sa mga kalaban nilang bantay-pintuan...
naglakad-lakad at nagmasid masid ang dalawang dalaga. nakita nila kung gaanu kahaba ang pila upang masilayan lamang sina john lloyd cruz at si sarah geronimo. halos masiraan sila ng loob sapagkat naisip nilang wala na silang mauupuan pagpasok sa madilim na higanteng auditorium. mga nagtsi-tsismisang magkukumare, mga batang naglalaro, mga matatandang dalaga, at mga lolang uugod-ugod ang kalaban nila sa digmaang ito.
pagtingin nila sa kanan, nahawi ang ulap at lumiwanag ang kapaligiran nang makita nila ang kakilala nilang taga-pamahala na itatago na lamang natin sa pangalang TJ.
isabel: uy! si TJ o! bilis, tanong natin kung pwede tayong pumasok.
lumapit ang dalawa sa taga-pamahala. nginitian ang kanilang kaibigan. sinubukan ang charm nila kung may epekto pa.
isabel: hey, TJ! still remember me?
TJ: yah i still remember you. are you guys here for the filipino movie?
patricia: yes. can we go in?
TJ: it's sold out. the whole day.
ngunit pasaway talaga si patricia.
patricia: i know, but can we still get in line?
TJ: no. i'll have old ladies complaining to me. the thing is parents bring in their kids that were not paid for and they take up seats. and some of the ladies think their purses need seats.
isabel: aww what?! ok..
TJ: yeah. ok. i gotta go help out.
patricia at isabel: ok. bye.
ipapaalala ko lamang na pasaway si patricia. hinikayat nya si isabel at pumila pa din silang dalawa. ito lamang ang pagkakataon nilang makita si john lloyd cruz. habang sila'y nasa pila..
abangan muli ang mga susunod na pangyayari..
No comments:
Post a Comment