ipapaalala ko lamang na pasaway si patricia. hinikayat nya si isabel at pumila pa din silang dalawa. ito lamang ang pagkakataon nilang makita si john lloyd cruz. habang sila'y nasa pila..
hindi nila maiwasang marinig ang usap-usapan ng mga matatanda sa kanilang mga paligid. hindi man malinaw ang ibang mga salita, pakiwari ni isabel ay ito ang pagkakaintindi nya..
babaeng inglesera: oh, you haven't seen the first one? you should see it.
ang sumagot: hindi pa eh. maganda ba?
babaeng iglesera: yah it is.
may iba din na ginawang sight-seeing ang gusali na panooran ng mga pelikula, na tila ba sila'y mga estatwa at hindi aalis sa kanilang pwesto kahit na may mga taong kailangan pumila sa kinatatayuan nila. marahil sila ay tatlong mga babaeng mas nakatatanda na sa karamihan, kaya medyo litang ang isipan nila at naaaliw sa pagmamasid sa mga nangyayari sa kapaligiran nila. hanggang...
may ale na naglakas na ng loob na lumapit sa kanila at magtanong..
ale: dito po ba ang pila (na parang hindi malinaw sa kanya kung saan ang dulo nito)?
nagulat ang tatlong lola at napalingon. sa itsura nila ay malalaman mo na hindi nila alam kung anu ang nangyayari at kung bakit sila ang tinanong ng ale. sumingit na lamang ang isang manong na nasa harapan ni patricia at isabel at sinabi sa ale..
manong: dito ho (at itinuro kung saan dapat lumugar ang ale--sa likod ni patricia at isabel).
makalipas ang ilan pang minuto na para bang oras na ang nahintay nila, nakaramdam na ng matinding gutom si patricia. alam ng dalawang dalaga na hindi sila maaaring umalis sa pila sapagkat paglingon nila sa likod pumaikot na ang pila sa dami ng apisyunado nina john lloyd at sarah geronimo. patay!
maya maya'y pati si isabel ay nagutom na din. nauubos na ang pasenya ng dalawang dalaga. ilang minuto na lang ay ipapalabas na ang pelikula ngunit hindi pa din pinapapasok ang mga tagahanga sa loob ng higanteng auditorium. ang iba'y nakaupo na sa pwesto nila. ang iba naman ay kinainggitan nila sapagkat may mga ngumunguya at umiinom ng kanilang mga merye-meryenda. maya-maya pa ay nahawi muli ang mga ulap at lumiwanag ang paligid nang maalala ni patricia na may dala syang tsokolate! nasa kaila-ilaliman ito ng kanyang higanteng purse.
kinalkal ang mga gamit at sa wakas! tagumpay! may pagkain na sila. pagkatapos ng ilan pang minuto, may nangyari na para bang himala, umusad na ang pila..
abangan ang huling bahagi ng mga pangyayari..
2 comments:
KINALKAL leche..e2 ba yung tsokolateng sinesales talk nya sa lahat ng mga customers sa work? kelangan pa un ang word choice... tama nga si isabel, "pasaway si patricia"...
hindi.. ibang tsokolate un. haha!
Post a Comment