isabel: Mall Cop lang ung pinakamalapit sa oras eh. 5:10. cge gamitin mo ang charm mo.
patricia: ok. dyan ka lang. sandali.
malamig ang simoy ng hangin noong hapon na 'yon. iniwan ni patricia si isabel na nakaupo mag-isa sa malapit sa water fountain. makalipas ang tatlong minuto, bumalik si patricia..
isang minuto
dalawang minuto
tatlong minuto
isabel: anung ticket nakuha mo?
patricia: Mall Cop (ngumisngis ng mahinhin)
si isabel ay napakamot sa ulo. "anu ba yan.." sa isip-isip nya.
isabel: kala ko naman ginamitan mo ng charm mo.
naglakad ang dalawa papasok sa gusali kung saan nila binabalak manood ng pelikulang pilipino. ngunit ang hawak nilang etiketa ay pang Mall Cop lamang sapagkat ang pelikulang nais nilang mapanood ay naubusan ng etiketa. naunahan sila ng mga lola, apo, housewives, at mga bantay nilang mga asawa at boyprend.
pagpasok nila sa gusali, agad agad nilang hinanap ang kakilala nilang tagapamahala upang itanong kung maari nilang mapanood si john lloyd cruz. hinanap sa tabi, sa gilid, sa itaas, sa ibaba, sa may pintuan, ngunit hindi nila nasilayan ang tagapamahala. ngunit..
nagulat na lang si isabel nang biglang tumakbo si patricia papunta sa isang madilim na sulok. yun pala'y may nakita syang lalake. naka uniporme. malinis, at mukhang masipag. narinig ni isabel ang usapan ni patricia at ng lalake.
patricia: is this You Changed My Life? (tinuro ang pader)
lalake: no this is Watchmen.
patricia: are they gonna check the tickets at the door?
lalake: no. they won't. but i didn't tell you that, ok?
patricia: ok. (sabay kindat sa lalake)
natuwa ang dalawang dalaga sapagkat ligtas na sila sa mga kalaban nilang bantay-pintuan...
abangan ang mga susunod na pangyayari..
2 comments:
punung-puno ng drama ang tagpong ito. muntik ng tumalon sa aking dibdib ang puso kong tumitibok-tibok. nananabik na ako sa susunod na pakikipagsapalaran ng dalawang dalagang ito
ahahahahah!!!!!!
Post a Comment