Friday, March 20, 2009

John Attack! Finale

kinalkal ang mga gamit at sa wakas! tagumpay! may pagkain na sila. pagkatapos ng ilan pang minuto, may nangyari na para bang himala, umusad na ang pila..

palapit na ng palapit sa pasukan ng takilya. nabuhayan ang buong madla. ang mga bulungan ay natigil. ang mga tsismisan ay nahinto. bumilis ang tibok ng puso ni isabel sa galak na may halong nerbiyos. si patricia naman ay abala pa din sa pagkain nya ng kanyang mga munting tsokolate (on sale daw sa walgreens. punta na kayo!)

isabel: ay nako. sa wakas.

patricia: gusto mo pa? (inalok pa ang tsokolate)

isabel: maya na ulit. baka makita tayo ni TJ. (kinuha ang telepono) oh..kunwari nagtetext ako (sabay tawa).

patricia: hahaha! (inayos ang buhok at simpleng tinakpan ang kanyang mukha upang hindi sya masilayan ni TJ.

malapit na sila sa pintuan nang mapagbigay-alamanan nilang sasalakay muli sila sa giyera sapagkat may mga namamalaging bantay-pintuan na titingnan ang mga etiketa nila.

isabel: hala. teka. tignan ko. dyan ka lang (umalis ng linya).

makalipas ang limang segundo.

isa
dalawa
tatlo
apat
lima

bumalik si isabel.

isabel: chinechek eh. panu yan.

patricia: kainis naman.

wala nang nagawa ang dalawang dalaga. humayo sila na ang mga mukha ay literal na natalo sa digmaan. tumungo sila sa isang sulok. may binabalak si patricia..

patricia: baka may daan sa kabilang pinto.

isabel: ewan ko sa'yo. may secret passages ba dito?

patricia: hindi naman ako dito nagttrabaho eh.

napansin ni isabel na sa harap ng sulok na mismong kinatatayuan nila ay may..

isabel: anu ba yan..dito tayo nagtatago eh ang laki ng salamin (itinuro ang salamin). kitang kitang tayo. nagtago pa tayo. napakamot ng ulo si isabel.

isabel at patricia: hahaha!

nilisan na nila ang pwestong kinatatayuan nila nang mapansin nilang kakaunti na lamang ang mga pumapasok sa higanteng auditorium. napuna din nila na paalis na din ang dalawang bantay-pintuan. nabuhayan sila ng loob.

isabel: uy paalis na ung bantay!

patricia: tara bilis!

pumasok ng panakaw ang dalawang dalaga sa loob ng higanteng auditorium. nagmamadali at nakisabay sa mga konti pang mga taong humahabol pagpasok sa loob ng madilim na silid.

napahinga ng malalim ang dalawa. lumuwag ang loob at nawala ang mga dinadala nilang takot at nerbiyos. hindi nagtagal ay nakahanap din sila ng matinong puwesto at upuan. sa huling pagkakataon ay nahawi muli ang mga ulap at lumiwanag ang kapaligiran..nasilayan din nila ang boyprend nila na si john lloyd cruz (sabay nagtilian ang mga lola, housewives, at ang mga bakla).

tagumpay! panalo ang mga dalaga sa digmaang tinahak nila. walang nakahadlang sa dalawang masugid na tagahanga.

-ang pagtatapos-

2 comments:

Unknown said...

hahaha nakakaaliw ang series na toh...naexcite ako ng labis kung makakapsok ba o ndi...

Anonymous said...

haha! salamat sa pagsubaybay :)